Chapter 7

41.6K 1.6K 758
                                    

Enjoy

“So where are you planning to take her tomorrow, Praize?” lumingon ako kay Charles na katabi ko. Nakataas ang kilay niya sa akin. Si Reid naman ay nagpatuloy lang sa pagsusulat pero halatang nakikinig. Tss, akala mo naman masipag. Lumabas kasi saglit ang prof namin kaya nangda-daldal na naman ang mga ‘to.

Nasabi ko na kasi sa kanila kung anong nangyari sa room nila Joey kahapon. Hindi naman lahat, — because I’m not the type of person who would spill everything that happened to my life — yung accidentally lang na pag-aya ko kay Joey ang sinabi ko. Tangang-tanga pa rin ako sarili ko kapag naiisip ko yun. Pero on the other side, I’m not regretting it that much. After all, pumayag si Joey na lumabas kasama ako and I still couldn’t believe it until now.

Of course, ilang libong tukso muna ang mga binitawan nila Reid sa akin pagkatapos ko isiwalat ang ginawa ko.

Tahimik lang ako at napakunot ang noo. Oo nga, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung saan ko dadalhin si Joey. I have places in my mind pero hindi ko alam kung comfortable si Joey na pumunta sa mga yun. Baka hindi niya magustuhan ang lugar o ang pagkain.

Baka hindi sanay si Joey sa mga ganun.

Siguradong sa mga mamahalin at high-end restaurants yun kumakain. Baka nga hindi rin yun kumakain kahit sa mga fast food chains. At kung sa mga mamahalin ko nga siya planong dalhin, I’m sure I wouldn’t have enough money. I’m sure I can’t afford it.

“I… don’t know,” sabay sulyap ko sa kanila. Halatang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko base sa panlalaki ng mga mata nila. Kahit si Reid na nagsusulat lang kanina ay hindi na napigilan ang pagka-chismosa niyang tunay.

“Come on, dude! Kaibigan ba talaga kita?” binitawan pa ni Reid ang ballpen niya para mag face palm at umiling-iling na parang hiyang-hiya siya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Suntukin ko kaya ‘to.

“Hindi ako makapagdesisyon kung saan siya dadalhin. I have options but I’m not sure,” siguradong lukot na ang mukha ko at sobrang frustrated ang tono ng boses ngayon. Pinasadahan ko ng aking mga palad ang mukha. Ugh, I’m screwed!

“What are your options?” tanong ni Charles. Si Reid naman ay pangisi-ngisi lang. I’m sure na gustong gusto niya na nahihirapan ako ngayon. Fucker.

“Sa… Bulalohan. O kaya diyan sa labas, street foods nalang,” Ngumuso ako. Yun lang talaga ang naiisip kong puntahan. Masarap naman ang mga yun, well, para sakin at siguradong para rin kala Reid at Charles dahil madalas kaming kumain sa mga yun.

I’m not sure about Joey though.

“Take her sa Bulalohan? I think she’ll like it there.” Charles suggests.

“Paano mo naman nasabi?” Taas-kilay na tanong ni Reid.

“Selene likes it. I did take her once there,” kibit-balikat ni Charles. Selene is pretty and simple, that’s why. Mabait at game sa lahat kahit laking mayaman. Mag two years na rin sila.

“Selene is different from Joey, Charles. Simple lang si Selene, you know that. Joey on the other hand… ay parang hindi pa nadadapuan ng lamok kahit kailan,” Ngiwi ko pa. Napatango-tango si Reid at nag okay sign pa sa akin. Inirapan ko lang siya at binalik ang tingin kay Charles.

“She has a point, Charles. Si Joey yung tipo ng babae na puro branded ang gamit. Yung puro LV at Gucci lahat,” Halakhak ni Reid. Hindi namin siya pinansin at nag-iisip pa rin kaya natahimik na lang siya at padabog na bumalik sa pagsusulat.

Joey’s aura screams luxuriousness. Naalala kong ang bag niya nga ay mamahaling brand ang tatak. Pati nung sa Cell, halatang mamahalin ang suot. Pati siya mismo, mamahalin. Parang ang hirap-hirap kunin.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon