Chapter 9

39.3K 1.7K 1.1K
                                    

Miss

Ipinilig ko ang ulo sa puno kung saan ako nakasandal ngayon. Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay minulat ulit ang mga ito. Pinagmasdan ko ang berdeng na berdeng kulay ng mga dahon ng puno. Pati na rin ang kalangitan na tila napakapayapa.

Absent ang teacher namin ngayon sa PE at Health na si Sir Rolandth. At saktong may mga hindi pa ko natatapos na assignments ng ibang nagpagawa sa akin kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon para magawa ang mga ito.

At dito ko napagdesisyunang mamalagi. Ayoko sa classroom dahil siguradong maingay at hindi ako makaka-concentrate. At baka hindi pa ako makagawa dahil kala Reid at Charles na dadaldalin na naman ako ng dadaldalin.

Nasa likod ako ng school ngayon. Dito rin ang way namin para tumakas nila Reid kapag school hours at gusto naming gumala o kumain sa labas. Parte pa rin ito ng school pero tago at hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil daw creepy at baka may kung anong multo dito. And I disagree with them, nakaka-relax kaya dito, puro puno at tahimik at walang manggugulo, nakakamiss tuloy ang probinsya.

Mga kalahating oras na rin siguro ako dito. Nagpaalam naman ako kala Reid na dito lang ako sa tabi-tabi kaya hindi na ko nila hahanapin. Binalik ko ang atensyon sa ballpen na hawak at sa notebook na nasa lap ko. Last na 'tong ginagawa ko. Bukas ko na lang 'to ibibigay dahil sa Thursday pa naman ang pasahan, ginawa ko lang ngayon dahil wala akong magawa sa room.

Hindi naman pwedeng buong isa't kalahating oras na time ni Sir Rolandth ay puro ang white ceiling lang ng room ang makita ko pati na rin ang mga mukha ng mga kaklase ko at syempre, nila Reid at Charles. Baka mabaliw na ako, halos araw-araw na lang, nakakasawa rin naman sila kasama minsan 'no.

I chuckles at the thought and shake my head. I lick my lips and continue writing on the notebook of the guy from ABM-5. Napatigil naman ako ng maisip ang ABM. May pumasok na naman sa isip ko na kanina ko pa ayaw isipin dahil madi-distract na naman ako panigurado.

Ngumuso ako at napairap sa kawalan. Kapag talaga sumagi man lang siya ng isang beses sa isip ko ay napakatagal bago ulit siya mawala dito. Pero maya-maya ay napangiti rin ako ng maalala ang mga nangyari noong Sabado.

"Balik ulit, Praize!" tumango ako at ngumiti kay Rina. Kakatayo ko lang at lumapit naman agad kay Joey na kakatayo lang din.

"Syempre naman. Favorite ko kaya dito," biro ko pang dagdag at kumindat. Rina giggled and hurriedly walk away from us when she notices a new customer just got in. Tinuon ko naman ang pansin kay Joey na nakatingin din pala sa akin.

Ngumiti naman ako, "So how was it?" Kahit naman alam ko na nagustuhan niya ito ay gusto ko pa rin itong matanong dahil gusto ko ulit itong marinig mula sa kanya.

She sweetly smiled, "I love it."

Para namang natunaw ang puso ko sa sinabi niya at sa napakaganda niyang ngiti. Alam kong ilang beses ko na 'tong sinabi pero kaya kong ulit-ulitin ito ng walang tigil, she looks so beautiful. Or maybe no, I think she's not just beautiful, she's more than that. She's... ethereal.

Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya sa magkabilang pisngi. Hindi ito malalim at mukhang makikita lang tuwing ngingiti siya ng malawak. Dapat na ba akong maging proud dahil nasilayan ko ito ng malapitan?

Napalunok ako nang ipulupot niya ang kanyang braso sa aking braso. Bumaba ang mga tingin ko dito at napalunok ulit. God, I'm really gonna lose my mind. Tinuon ko na lang ang mga mata sa harapan at naglakad na kami palabas ng karinderya.

"I already texted my driver. He said he knows naman how to get here. Sabay ka na. I'll told him to drop you off to your house." she said at ibinaba ang cellphone sabay tingin sa akin.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon