Chapter 1

66.4K 2K 1.7K
                                    

Request

Maaga akong gumising dahil hindi ko pa nalalabhan ang uniform ko. Nakalimutan ko na kasi kagabi sa pagod. Pumasok ako sa masikip na banyo at nagsimula na. Wala kasing washing machine kaya ako na lang ang naglalaba kesa naman ipa-laundry ko pa edi dagdag gastos na naman. But just to be honest, I really hate washing clothes. I don’t know why, maybe because it was really tiring? Or maybe because I’m just really lazy.

Nang maisampay ko na ang uniform at ang iba pang susuotin kagaya ng mga undergarments ay nagpunta akong kusina. I need to cook for my breakfast. Pagbukas ko ng mini-fridge ay may nakita pa akong stock ng hotdogs at bacons. Sinara ko ang ref pagkatapos kong kunin ang natitirang stocks. Mukhang kailangan ko nang mag-grocery mamaya. Mabuti ay bukas pa ang shift ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Nang maisalang ko na ang hotdogs at bacons ay kinuha ko sa rice cooker ang natirang kanin kagabi. I’m planning to have a fried rice with hotdogs and bacons for my breakfast. Nang maluto ang hotdogs at bacons ay nilagay ko na ang mga ito sa plato. Sumunod kong isinalang sa kawali ang kanin, nilagyan ko ito ng asin pagkaraan ng ilang minuto at hinalo ulit.

After I cook it ay hinain ko na ito sa plato kasama ang hotdogs at bacons. Napalunok ako dahil kanina pa ako nagugutom. Kumukulo na ang tiyan ko and isa pa, I really love fried rice. Hindi na kasi ako nakakapagluto nito dahil busy ako lagi sa mga ginagawa sa school at sa trabaho. Madalas ay kumakain na lang ako sa coffee shop o kaya sa cafeteria ng school.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na agad ito. Ayoko kasing may naiiwang mga hindi pa nahuhugasang mga plato o utensils sa lababo. Naiirita ako at tinatamad na lang bigla. Kahit sa ibang gamit ko ay laging gusto kong malinis at maayos. Ayoko kasi ng makalat tingnan.

Habang hinihintay mag-alas dose ay nahiga muna ako sa kama at chineck ang social media accounts ko. Active ako sa social media pero sobrang dalang lang ako mag-post. Hindi kasi ako mahilig mag-picture at mag-post ng kung ano-ano. At may pagka-introvert kasi ako. Wala akong masyadong kaibigan dito sa Avosta bukod kala Charles at Reid. Ang iba ay acquaintances na lang.

In-exit ko na ang app dahil wala akong makitang makakapag-interesado sa akin. Pumunta na lang ako sa ibang app kagaya ng Instagram at Twitter pero wala rin kaya papatayin ko na sana ang phone dahil nabo-boring na ako at may plano na lang manood ng T.V nang biglang tumunog ang notification mula sa Facebook. Kumunot ang noo ko at bahagyang nanlaki ang mata ng nakita ang pangalang nakalagay doon.

Agad ko iyong pinindot na parang takot na takot na mawala at hindi maging totoo. Mahina akong napasinghap nung nag-open ulit ang app na kanina lang ay nasabi kong wala akong makitang interesante at dinala ako sa Friend Requests.

Joey Vermont sent you a friend request.

What the hell is this? Is this really true? Or I’m just being my delusional self? Fuck.

Ilang segundo ko pa itong tinitigan, hinihintay itong mawala at tuluyang maglaho pero napagod na lang ako kakatingin ay nandun pa rin ito. “Damn, what should I do?” I bit my lip and grip the sheet of my bed tightly. Lumunok ako at napatingin sa kawalan. Hindi naman ako nababaliw at nakakakita na lang ng kung ano diba? Maayos pa naman ang paningin at lagay ng utak ko diba? Last time I check, I’m perfectly fine, so… this must be really true.

Kinagat ko lalo ang labi ko dahil sa ngiting pilit na kumakawala na hindi ko alam kung bakit. Parang kumakalabog ng sobrang lakas ang puso ko at parang nakikipaghabulan dahil sa mabilis na tibok nito. Sinulyapan ko ulit ang phone at nakitang nandun pa rin ang request.

Umayos ako ng upo at pinagmasdan ulit iyon. Joey Vermont sent you a friend request. Ia-accept ko ba?! O hindi? Hayaan ko nalang kaya? Pero baka magtaka siya kung bakit hindi ko ina-accept? Baka isipin niya may problema ako sa kanya. Ano namang idadahilan ko kapag nagtanong siya? Na ang ganda niya? Na kapag malapit siya ay parang akong natutuod at nawawalan ng hininga at lakas? Na nababaliw yung kaloob-looban ko kapag nandyan siya kaya mas okay na wala kaming koneksyon sa isa't-isa sa kahit anong paraan?

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon