Chapter 2

47.9K 2.3K 934
                                    

Stay

Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos noong pag-uusap namin ni Joey. Simula noon ay hindi na muna ako pumunta sa room nila para magbigay sa mga kaklase niya ng mga projects nila. Kapag may nakakasalubong ako na taga-ABM-1 ay pinapabigay ko nalang ito at sinasabing pagkauwian ko nalang kukuhin ang mga bayad. Binibilisan ko lang at sa labas lang ako lagi ng room nila dahil ayaw ko siyang makita.

Magalang akong ngumiti sa babaeng customer at binigay ang order niya, “Here’s your Iced Coffee, Ma’am.” Nagpasalamat siya at tumingala sa akin. Napatulala siya at natigilan kaya napakunot ang noo ko. What’s her problem?

“Uhm… Ma’am? Are you okay?” nagaalinlangan kong tanong dahil baka ma-offend siya. Agad naman siyang napaayos ng upo at ngumiti ng malawak, “Yes! I mean-- yes. I’m sorry.” Hingi niya ng paumanhin habang nakangiti pa rin. Marahan akong tumango at nagpaalam na.

“Excuse me, Ma’am.”

Maglalakad na sana ako palayo pero tinawag niya ulit ako.

“Sorry, but can I know your name?” Pinigilan kong itaas ang kilay ko at nagtagumpay naman ako. Tumikhim ako at humarap ulit sa kanya. I don’t know why she need my name pero wala namang masama kung ibibigay ko diba? At saka baka kapag tinanggihan ko siya ay maisip niyang hindi ako marunong makisama.

“Praize, po.”

“You have a nice name. At huwag ka ng gumamit ng po sa akin, parang magkaedad lang naman tayo.” Tumawa siya kaya nagpanggap nalang akong natawa din kahit na gustong-gusto ko na umalis. Marami pa akong gagawin, at hindi talaga ako magaling sa mga ganito. Mas gusto ko pa magbasa ng libro at mag-cellphone buong araw sa apartment kesa sa pakikisalamuha. Natuto lang naman ako gumala dahil kay Reid na mahilig mag-club at pumunta sa kung saan-saan.

“I’m Angela, by the way.” Inabot niya ang kamay niya, tiningnan ko iyon ng ilang segundo bago makuha ang gusto niyang gawin. Nahihiya akong ngumiti at nakipagkamay sa kanya. Ugh, I really want to walk away now. Bakit hindi ko agad na-gets iyon?

“Sige na, Ma’am. It was nice to meet you, but I need to get back to work.” I made it as friendly as I can. Bahagyang nawala ang ngiti niya at napalitan ng panghihinayang pero agad rin itong bumalik sa masigla niyang ekspresyon.

“Okay, but are you free sometime? Like, can we go out somewhere… as friends.” I lick my lower lip at lumunok. I’m trapped. Paano ko sasabihing hindi nang hindi siya nao-offend? Sumulyap ako sa mga katrabaho kong alam kong kanina pa kami pinagmamasdan. Kapwa sila parang pinipigilan matawa kaya gustong-gusto ko na sila irapan.

Bumuntong-hininga ako at pilit na ngumiti, “I rarely have a free time because of my schedule and school so…” pinutol ko muna ang sasabihin dahil parang lumungkot ang mukha niya at umiwas ng tingin. Ngumiwi naman ako, “but maybe sometime,”

Lumiwanag ulit ang lugmok na ekspresyon niya kanina, “Really? That’s great! Can I have your number?” My eyebrows furrowed and look at her with a confused face, “You know… for communication. So you can tell me when will you be free.” Marahan akong napatango at ngumuso.

Kinapa ko ang phone sa bulsa at napakamot ng ulo dahil nasa bag ko nga pala ito sa loob, “My phone is not here with me right now. I’ll get it inside the locker,”

“No need. I have my phone,” Iwinagayway niya ng phone niya. Nanlaki ang mata ko at nilibot ang tingin sa table niya at nakita ang tissue doon. Kinuha ko iyon at pinunit, “Diyan mo na lang ilagay. Ako na lang ang magte-text sayo kung kailan ako pwede,” Inabot ko ang ballpen sa bulsa at binigay sa kanya. Kumunot ang noo niya saglit at maya-maya ay natawa na parang nalaman ang plano ko.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon