Jealous
I closed my eyes and hug her tighter. A smile escaped my lips and damn, I think I can do this all day with her and I’m not gonna complain. I could feel her warmth against me, making me more comfortable.
Naramdaman kong bahagya niyang hinaplos ang buhok ko at pinasada ang mga daliri niya rito. I almost gasped because of her sudden action. Napahinga ako ng malalim, my heart is still beating very fast like it’s getting chased by someone.
Dinikit ko ang ilong sa gilid ng kanyang ulo at hindi napigilang singhutin ang kanyang amoy. I can’t help it, she smells so good. Nagkataon pa na amoy strawberry siya na siya namang paborito kong prutas.
“You smell so good, Joey.” wala sa sarili kong utas. I heard her giggled but I didn’t mind it kasi hindi pa rin ako nakakawala sa bango niya.
“I know, Iryl.” confident niyang saad na parang I’m stating the obvious which it really true naman. Narinig ko pa ang ngisi niya.
Tsaka lang ako napadilat at napagtanto ang sinabi. Napabitaw ako sa yakap at namimilog ang mga matang tumingin sa kanya. Kunot noo naman siyang tumingin pabalik.
“Why?” she asked, confused. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na sinabi ko ‘yun mismo sa kanya. Really, Praize? Sa harapan pa niya mismo?
Gusto mo talagang ipamukha sa mundo na baliw na baliw ka sa kanya ‘no?
Umiling lang ako at nahihiyang umiwas ng tingin. Hindi ako makatingin sa kanya at naglakad palagpas. Agad niyang nahuli ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. She glares at me.
“What’s your problem? I still want to hug some more!” she exclaimed. Nanlaki na naman ng mga mata ko. Nalaglag ulit ang panga ko na pang ilang beses nang nangyayari ngayong araw. What did she say? Did I hear it right?
What the heck?
Nakatulala lang ako sa kanya at hindi makapagsalita. Unti-unting nawala ang simangot at lukot sa mukha niya at napalitan ng gulat. Gulat na napalitan ng pamumula ng mukha. Ngumuso siya at umiwas ng tingin. She let go of my hand at tumalikod para iwan ako.
Did she really say that she wants to hug me more? It’s not just an illusion, right? I’m not out of my mind! I’m not hallucinating! I’m sure it’s real.
Napatawa ako at hindi naiwasang mapangisi. Lumingon ako sa pagbabakasakaling nandito pa siya pero wala na siya pagkalingon ko. Napameywang ako at iginilid ang ulo sabay ngising aso ulit.
Napailing ako at ginulo-gulo ang hanggang siko kong buhok. Nagsimula na namang magwala ang mga halimaw sa aking sikmura. Bumuntong-hininga ako at inisip kung hahabulin at susundan ba siya o hahayaan na lang muna.
I think she got shy. Ako dapat ang nahihiya ngayon sa sinabi ko pero sa isang iglap lang ay bumaliktad lahat. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano.
But I think I’m happy. No, I really am happy. I want to punch the air and congratulate myself for something na hindi ko naman sigurado kung ano. I don’t know kung ano yung kinasasaya ko, yung sinabi ba niyang gusto niya pa kong yakapin ng mas matagal o yung pamumula niya.
I think it’s both.
Sa huli ay hindi ko na lang siya sinundan at nanatili na lang dito. Ngumuso ako at tahimik na bumalik sa room. Nung una ay nakatingin pa sila sa pinto at parang may inaabangan pang iba pero nang masiguro nilang wala ay kinuyod nila ako.
“Praize, anong meron sa inyo ni Joey?”
“Bakit daw pumunta dito? Ano kailangan?”
“Are you two dating, Praize?”
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.