Chapter 40

36.4K 1.2K 719
                                    

Coming Back

Maliit ang ngiti kong pinasadahan ang buong building. It was a huge building with fourty floors. Malinis tingnan at pulido ang pagkakawa. I’m sure the engineers who made this breathtaking building are freaking honored right now.

Nagsimulang magpalakpakan ang lahat ng tao ngayon dito sa labas ng building. Nandito ang lahat ng engineers na gumawa pati na rin ang architect. Pati ang mga may-ari ng hospital na ‘to ay nandito rin at pawang mga nakangiti.

This building is called the Spencer Hospital – it’s just one of their many branches here in Metro Manila. Ang mga nagpagawa ng hospital na ‘to ay ang isa sa mga pinaka-marangyang pamilya sa buong Pilipinas. They are known for their biggest and famous hospitals here in our country.

Napalingon ako ng konti ng may makitang papalapit sa akin. Pagkatingin ko ay si Mrs. Aviola Spencer pala at si Mr. Julius Spencer. Sila ang may-ari ng hospital na ‘to ngayon.

“Engineer Laxon! Why are you just standing there? Come here!” Tawag sa akin ni Ma’am Aviola habang magaan na nakangiti.

“My wife’s right, Engineer Laxon. You’re the head engineer of our newly-built and successful hospital, bakit nakatayo ka lang diyan?” Mr. Spencer asked while chuckling a little bit.

Yes. I’m the head engineer of this fourty-floors hospital. Halos dalawang taon din namin itong ginawa at itinayo and to see it right now looking so good, it makes me feel so honored and proud.

“Sorry, Mr. and Mrs. Spencer. I’m just looking at the structures of the hospital. Tinitingnan ko lang kung baka may mali kung saan.” Saad ko saka pormal na ngumiti.

Napatawa naman ang mag-asawa, “Don’t bother, Engineer. It looks perfect. The media won’t flock here so bad if your work isn’t fantastic.” Ani Mr. Spencer.

Tila natunaw naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. He’s saying the truth, sobrang dami nga talaga ng mga media ngayon at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya na maganda ang pagkakagawa namin kaya pumunta ang mga media o sadyang kilala lang talaga ang mga Spencer kaya ayun at nandito sila para tingnan ang bagong hospital na ipinatayo ng mga ito.

Napangisi na lang ako at bahagyang umiling, “They’re here because it’s an another hospital of the great Spencer family.”

Tumaas naman ang kilay ni Mr. Spencer at saka bahagyang ngumiti rin, “You’re too humble, Engineer. Oo at laging may mga media tuwing nagbubukas kami ng isang hospital pero iba ngayon, ito na yata ang pinakamaraming nakita namin.”

My brows playfully furrowed. I don’t know if I will believe him or not. I don’t know if he’s saying the truth or he just wants me to feel great.

Ibubuka ko pa lang sana ang labi ko nang magsalita na si Mrs. Spencer.

“Mamaya na tayo mag-usap. Halika, Engineer at ipapakilala kita sa mga amigas at amigos namin. At saka ‘wag ka dito, doon ka dapat sa harap ng media. They can’t skip the Head Engineer of this grand hospital you know.” Sabi pa nito at saka ngumiti muli ng malawak.

Iginiya nila ako papunta sa mga grupo ng mga tao sa gilid. Pinapalibutan din ang iba ng mga reporters dahil halatang kilala at mga mayayaman din ang mga ito.

Nagku-kuwentuhan ang mga ito at hindi pinapansin ang ibang reporters pero nang mapansin ako ay agad na ngumiti.

“Oh, is she the head engineer that we are all talking about?” Saad noong isa. Lalaki ito at agad ko itong nakilala dahil nakikita ko minsan ang mukha nito sa mga magazines.

I think it is Mr. Mitchell Ross, the owner of the biggest model agency here in the Philippines.

I also saw the CEO of one of the manufacturing companies here, mostly ay mga aircrafts ang nide-develop nila. Ang isang mga ka-edaran nila Mr. Spencer na babae ay nakilala ko rin dahil ito ay isa namang may-ari ng sikat na clothing line dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon