Hate
“Where are we going, Joey?” Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Sumulyap ako sa kamay kong hindi niya pa rin binibitawan. Kasalukuyan niyang hawak ang kanyang cellphone at may kung anong kinakalikot doon.
“Just wait.” Walang lingon-lingon niyang sagot sa akin. Napairap ako at bumuntong-hininga.
“What are you doing?” Tanong ko ulit habang tinitingnan siya. Tumingin lang siya saglit sa akin at umirap na parang napipikon at bumalik ulit sa ginagawa. Wala na akong nagawa at nilibot na lang ang paningin sa parking lot ng Cell. Sari-saring kotse at ilang motorcyles ang nakikita ko.
“Saan ba dito yung ginamit niyo nila Kraij? Kotse ba niya ang ginamit niyo papunta dito?”
“I don’t know but yeah, it was her car.”
“Kotse niya lang ang ginamit niyo papunta dito?” Binalik ko ang tingin sa kanya at nakita siyang umiling.
“We use Yran’s too.” Napatango na lang ako dahil may lisensya na nga rin pala si Yran. Naging repeater daw kasi ang dalawang yun noong highschool sila. Isang taon lang naman at pumasa na ang dalawa sa sumunod na taon, kaya naging kasabayan ni Joey si Kraij dahil doon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sila naging repeater, hindi ko nga malalaman na umulit pala sila kung hindi pa naikwento ni Reid dati.
“Anong gagamitin natin papunta sa sinasabi mo?” Ngumuso siya at inangat ang tingin sa akin. Wala pa siyang sinasabi pero sa mga mata niya palang na nagsusumamo ay mukhang alam ko na kung bakit. Crap, nakalimutan kong minor pa nga pala siya at hindi marunong mag drive.
“We’ll just use Grab okay?” Humigpit ang kapit niya sa kamay ko habang sinasabi ‘yon. Winawagayway naman niya sa isa pang kamay ang phone na nasa app ng Grab. Napalunok ako dahil habang hawak ang kamay ko ay hinihimas niya ito ng thumb niya na parang ina-assure ako.
Wala sa sariling napatango na lang ako kaya napa-mahinang ‘yes’ naman siya. May pinindot pa siya sa phone niya at binalik ang tingin sa akin na nakangiting tagumpay, “Don’t worry, it’s safe. Hindi pa naman ako nakaka-encounter ng stealing na modus na yan or what so ever.”
“I know that it’s safe… it’s just that…,”
It’s just that I feel like I’m not safe whenever I’m with you. You make me feel things that I’ve never felt before, make me nervous and oblivous about everything. And I’m scared of that.
“What?” Nakataas ang mga kilay niyang tanong. She stares at me like she could melt me in just a second and I think she really could.
“It’s just that… maybe Kraij is already worried about you inside. Baka hinahanap ka na niya ngayon. I don’t think it’s a good idea to leave without telling her.” Halos magbunyi ang kalooban ko ng nakaisip ako ng pantakip sa totoong dahilan ko. But I have a point though, baka nag-aalala na si Kraij sa kapatid niyang gusto akong dalhin sa kung saan ako ngayon.
“I already texted her and she said okay so there’s no problem with that.” Napaangat ako ng kilay sa sinabi niya. Kraij said okay?
“Did you tell her that you’re with me?”
“Yeah. Why?” Nakakagulat man pakinggan ay nakakatuwa rin kahit papaano. I heard Kraij’s protective when it comes to Joey and to know that it’s okay with her if her sister is with me is quite nice to know… somehow.
“Nothing.” Iling ko at ngumiti ng tipid. Kahit naguguluhan man ay tumango na lang siya at ngumiti. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa nakahawak niyang kamay sa akin. May kung ano akong naramdaman at naghintay sa reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
Roman d'amourGive me at least a glance... so I can wait a little longer.