Chapter 5

38.8K 1.7K 458
                                    

Go Out

“Pasensya na talaga kung wala ako sa room kanina, Praize.” hingi pa ulit ng paumanhin ng babaeng nagpagawa sa akin ng essay.

Ngumiti naman ako, “Ayos lang. It’s not your fault naman kung nagka-emergency.” Wala naman talagang kaso sa akin yung kanina. Ang mahalaga, naibigay ko na at makakapagpasa siya. Sayang naman kasi yung pinaghirapan kong pag-iisip at pagsusulat sa essay na yan kung hindi lang rin naman maipapasa.

At syempre… sayang din yung bayad.

I grinned at the thought.

“Praize?” nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

“Yes?” Muntik na akong mapangiwi. Nakakahiya yun, siguro ay iniisip niya na nababaliw na ko dahil sa pagngiti mag-isa.

“Are you okay lang ba?” nagtataka niyang tanong. Sunod-sunod naman ang pagtango ko, “S-syempre naman. Ano nga ulit yung sinasabi mo?” Hindi ko kasi narinig yung sunod niyang sinabi dahil sa pagka spaced out kanina.

She chuckles. Mukhang napagtanto niya nga na wala ako sa sarili. Ano ba kasing sinabi niya? Kumamot ako sa kilay ko. ‘Yan, spaced out pa, Praize. Pahiya ka tuloy.

“I’m just introducing myself. I’m Reichel,” Pakilala niya. Shit, ‘yun lang pala.

“I’m Praize.” Pakilala ko rin at naglahad ng kamay na agad naman niyang ikinailang. My eyebrows furrowed in confusion.

“Too formal, Praize. No need for that. A beso would do?” Saad at nilapit pa ang katawan at mukha para makipagbeso. Naguguluhan man ay sumang-ayon nalang ako at nakipag beso rin. Hindi ako sanay sa ganto. Masyadong malapit, nakakailang. Mas okay pa rin ang pakikipagkamay para sa’kin.

Habang nakikipag beso ay napatingin ako sa grupo ng mga estudyante na paalis na ng cafeteria. Grupo yun ng mga kasama ko lang sa table kanina kumain. Halos manigas ako ng napatingin sa gawi namin si Joey. I saw how her eyes glares and rolls. Hindi na siya muling lumingon pa hanggang makaalis na sila. Mabuti ay hindi na kami napansin nila Reese dahil busy sa kani-kanilang pinag-uusapan.

I bit my lip. What did I do wrong? Kanina pa siya mukhang badtrip sa akin samantalang siya naman ang hindi namamansin sa cafeteria kaya hindi ko rin siya kinakausap. At isa pa, siya yung mukhang masaya kasama yung Karl na ‘yun.

“Praize, are you okay?” Tapik ni Reichel sa balikat ko. Agad naman akong napalayo dahil napagtantong hindi pa pala ako nakakalayo mula sa pakikipag beso. Napakamot ako sa batok, si Joey kasi eh!

“Y-yeah. May nakita lang,” pilit kong ngiti. Pero agad ding nawala ang aking ngiti ng lumingon siya sa likod niya kung saan ako nakatingin kanina. Nakita niya ang papalayong grupo nila Joey. Damn, wrong reason.

“Is that Kraij’s group?” Hindi na ako nagtatakang kilala niya si Kraij dahil sikat ito at parte ng basketball girls ng school.

“Ah, oo.” Sang-ayon ko na lang dahil nakita na rin naman niya ang mga ito. Fuck, hindi niya naman siguro malalaman na si Joey talaga yung tinitingnan ko diba?

Ilang segundo siyang tumingin bago binalik ang tingin sa akin na may bahid ng lungkot sa mga mata, “Sorry. Naistorbo ko yata ang pagkain niyo kanina,” Hindi ko alam kung matutuwa ako na ‘yun ang sinabi niya at hindi ako nahuling nakatingin kay Joey o malulungkot dahil sa ekspresyon niyan mukhang guilty na guilty.

“No, it was okay.” Hindi pa rin nawala ang lungkot sa mukha niya kaya kumunot na ang noo ko at medyo kinabahan. Hindi naman siya siguro iiyak diba? That would be too childish! At isa pa, hindi ako marunong mag comfort!

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon