Doesn't Feel
My brows are slightly furrowed. Nakasunod ako ngayon kay Engineer Alfheya. Paglabas namin ng office ko ay namataan ko na agad sila Charles kasama ang mga kasamahan namin. Sa harap nila ay nandoon si Engineer Edward Salviejo.
“Engineer.” Bati ko saka pormal na tumango. Tumabi ako kay Charles habang ang mga kamay ay nakalagay sa mga bulsa ko.
Tumango lang sa akin ang CEO. Pagkatapos ay umayos na siya ng tayo at isa-isa kaming tiningnan.
“I’m here for a sudden announcement. Alam kong nasimulan niyo na ang ilang plans para sa inyong sunod na project para sa isang branch ng clothing line.” Simula ng CEO.
I just nodded, “Yes, Sir. We are currently working on it right now. We already planned the materials that we will use. Do you want to see it? We could still make adjustments.” Mabilis kong saad saka marahang nagtaas ng kilay.
Napailing naman ang CEO. Tila may iniisip siya at gustong sabihin. I bit my lower lip. Ano ba yung sasabihin niya?
“Okay, then. What’s your announcement, Engineer?” Tanong ko. Halatang nag-aabang din ang mga mukha nila Charles at mga ka-team namin. Halatang curious din.
I saw the CEO sighed deeply, “Actually, that’s the reason why I came here…” Agad akong muling napakunot ng noo. Anong dahilan? Yung project ba namin yung dahilan?
“What is it, Sir?” Medyo naiinip na ako dahil ang tagal niyang sabihin. Medyo kinakabahan na ako dito dahil baka kung anong problema pala ang meron sa project namin ngayon.
“Hindi na kayo ang magha-handle noong project. We will assign and gave it to somebody else.” Saad ni Engineer Edward. Doon na ako tuluyang napakunot ng noo.
What the hell? They’re pulling us out from the project?! But why? Sa pagkakaalam ko ay wala pa naman kaming nasisimulan kaya imposibleng may nagawa na agad kaming mali.
“Why? Is there a problem with our current project, Sir?” Charles asked while his brows are slightly arched too.
“No, there’s nothing wrong with your project. And there’s nothing wrong with your team too. It’s just that we would give you another project.” Paliwanag pa ng CEO.
Napailing iling ako, “Why, Sir? We already start it, we already came up with some plans. We already lists the materials, we already even have some sketches!”
I just don’t get it! May nasimula na kami, isn’t it too late for that?
“I know, Engineer Laxon. But this is a really big client, this is a really big company. We can’t afford to lose it.” Tinaas pa ni Engineer Edward ang kanyang mga kilay para siguro sabihing paniwalaan siya.
“Then you should gave it to someone else, Sir. Why us? Marami namang team diyan na magagaling at kaya i-handle ng maayos yang project na ‘yan.” Sabi ko. Bakit sa amin? We already have a project. Nakakahiya naman at parang nakakairita kung bigla kaming aatras?
I mean, wala pa naman yung literal na kontrata, wala pa naman kaming napipirmahan na ganun. Usap pa lang ang nagagawa namin noong client, dapat ay sa isang araw ang pagsa-sign ng contract pero mukhang hindi matutuloy dahil dito.
Hindi ba nila pwedeng ibigay na lang sa iba yung project na ‘yon? There’s a lot of other great engineers and teams here in our firm! O kaya ay ibigay niya sa isa sa mga anak niya na magagaling talaga sa larangang ito?
“That’s the problem, Engineer Laxon. Sinabi na namin yan sa kliyente, sinabi na namin na meron na kayong current project na tina-trabaho but they really want you and your team to be the one who will handle it.” Engineer Edward said while staring right into my eyes.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.