Drunk
Tumiim ako ng bagang saka nilagok ang baso kong may laman na Crown Royal. Hindi man lang nagusot ang aking mukha nang ininom ko ‘yon, marahil ay dahil sanay na ako at mas marami na akong nainom na mas malakas ang tama kesa sa Crown Royal.
Kinuha ko ulit ang bote ng Crown Royal sa bar counter dito sa condo ko at naglagay ulit sa aking baso. Pagkalagay ko ay muli ko itong ininom ng diretsyo.
“Woah, woah, chill ka lang. Ano bang nangyari?” Kunot-noo pero natatawang tanong ni Reid. Tiningnan niya ako nang may pagtatanong sa mga mata pero tiningnan ko lang siya. Nang ma-realize na hindi ko sasagutin ang tanong niya ay saka naman siya lumingon na lang sa katabi pa namin na si Charles.
Charles just smirked and shook his head, “I don’t know. Basta ang alam ko lang ay nilibot niya si Joey sa site tapos pagbalik nila sa warehouse ay ganyan na ‘yan.”
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Reid, “Si Joey?!”
Ang overreacting talaga ng isang ‘to kahit kailan. Para namang hindi niya alam na ang project na hawak namin ngayon ay yung sa Vermont Corporation.
“Don’t act as if you don’t know, Reid. Ikaw pa nga ang nangungulit sa GC lagi kung ano nang nangyayari sa amin kaya ‘wag kang umakto na hindi mo alam,” Irap ko at saka subo ng Sisig na niluto ko kanina bilang pulutan namin.
Sumimangot naman siya, “Nipa-practice ko lang naman ang acting skills ko!” Agad naman kaming napatawa ni Charles saka napailing pa.
Acting skills? The heck? Siya nga ang pinaka-pangit at pinaka hindi kapani-paniwalang um-acting sa aming tatlo!
“Shut up, dude.” Ngisi ko na lang.
“Kung ganyan ang acting skills mo, malamang sa malamang ay hinding hindi ka mananalo ng actress of the year, mabuti na lang ay pagiging engineer ang napili mong career.” Hagalpak naman ni Charles. Tila nainis si Reid kaya binato niya ng chips si Charles sa mukha, ang huli naman ay tawa ng tawa kaya hindi nakailag kaya ayun, sapul sa mukha.
Ako naman ang napatawa dahil doon. Para silang mga tanga.
Sumubo ako ng chips at muling tumingin sa kanila. Tapos na silang mag-asaran at parehas na silang nakatingin sa akin.
“So ano nga, magkuwento ka naman! Ano, awkward ba kapag nasa malapit si Joey?” Tawang muli ni Reid at tila naiisip na agad ang mga puwedeng scenarios namin ni Joey tuwing nagkikita.
“Gago, literal, laughtrip siya lagi kapag malapit si Joey! Kulang na lang ay umihi sa pants niya eh!” Segunda naman ni Charles na agad namang ikinatawa lalo ni Reid.
Aba’t mga gago talaga. Talagang kailangan ay mukhang naiihi sa pantalon?!
Ngumiwi ako, “Gago!” At sako hinablot ang chips na bukas na at hinagis sa kay Charles. Agad naman siyang napatayo nang tumama sa kanya ang laman ng chips.
“What the hell?” Gulat niyang saad. Napangisi na lang ako pero agad ding napasimangot nang makitang nakakalat na sa sahig ang mga chips. Sayang naman at saka damn, condo ko nga pala ‘to, edi mas lalong dadami ang lilinisin ko mamaya.
“Pero seryoso kasi, Praize! Ano ngang nangyayari? Balitaan mo naman ako sa lovelife mo dahil wala ako lagi para ma-witness ang pag-usbong muli ng pagmamahalan niyong natapos na nine years ago.” Humalakhak pa si Reid habang sinasabi ‘yon.
Pero agad din siyang umayos ng upo saka tumingin sa akin habang nakangisi ng nakakaloko, “Oh nawala nga ba talaga?”
Napatahimik naman ako sa sinabi niya at marahang napakunot ang noo. Nawala nga ba talaga? Para sa akin, yung pagmamahal ko para sa kanya… ay hindi naman talaga nawala. Natago lang dahil sa tagal ng panahon pero tuwing gabi kahit noong hindi pa siya bumabalik… ay siya pa rin ang huli kong naiisip bago ako matulog.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.