Offer
Dalawang araw na kaming hindi nag-uusap ni Joey. Simula ng makauwi ako nung gabing yon ay wala na siyang tawag o text man lang sa akin.
I already bombarded her with texts pero wala akong natatanggap na reply. Ni-text ko na rin si Kraij pero wala lang din akong natanggap na sagot. I chatted them too pero hindi sila online lagi pareho.
I wonder what happened after I left. Siguro ay kinuha ang mga gadgets nila o ano. Baka ni-grounded silang dalawa. O baka ay hindi sila pinapayagang makipag-usap sa akin. Fuck, that’s for sure!
Nababaliw na rin ako kakaisip sa scholarship ko. Sa totoo lang, naghihintay na lang ako ng message galing sa school para sabihing wala na ang scholarship ko.
Alam ko naman na malaki talaga ang posibilidad na tanggalin ang scholarship ko sa akin. Mali ang ginawa ko at alam ko yun. Alam na alam ko yun noon pa pero ginagawa ko pa rin. Siguro kasi walang nakakahuli at walang sumisita sa akin kaya nagpatuloy lang ako.
Kaya okay lang kung mawala ang pagiging scholar ko. Okay lang, tatanggapin ko lahat dahil mali ko naman talaga. Okay lang, kasalanan ko naman at tanggap ko yun.
Wala akong karapatan magreklamo. I know what I did. And I know that whatever I did is fucking wrong. So I don’t have the right para magreklamo. I have given the chance to fulfill my dreams… and I chose to just waste it all. Masyado kong ginustong mapadali lahat at magkaroon ng pera para makatulong ako agad sa mga mahal ko sa buhay kaya hindi ko naisip na sinisira ko na rin pala ang pangarap ko at ang pagkakataon na maabot ito dahil sa ginawa ko.
Hindi ko inisip na kailangan kong protektahan ang scholarship ko. Na kapag may nakahuli sa akin ay talagang malalagay ito sa alanganin. Na baka mawala ito. At nangyari na nga talaga ito.
Hindi ko naisip na ang scholarship ko ay isang babasaging bagay na isang mali lang ay mawawasak. Once in a lifetime lang ang pagkakataon na binigay sa akin. I should’ve known better. You should’ve known, better, Praize! You should’ve known better!
I chose this. I chose my fate. And I’m feeling sorry because I chose the wrong way.
Napabuntong-hininga ako at napakagat ng labi. Pabagsak akong napahiga muli sa aking kama. Anong oras na. It’s almost eleven-fifty AM. At lunes ngayon. Kung normal na araw ngayon ay siguro ay nasa Ventell na ako at nakasubsob sa desk ng aming room pero iba ngayon.
I don’t even know if I should still come to school! Baka hindi na pala ako estudyante ngayon dun dahil baka hindi ko alam ay natanggal na pala ako. Hindi naman kasi ako katulad ng ibang mayayaman at maimpluwensiyang estudyante na kapag nagkamali at may nilabag na rules ay okay lang dahil kaya naman nilang punan yon. May pera naman sila.
At wala ako nun. Wala ako ng meron sila. Hindi ako pag-aaksayahan na pag-dalawang isip ng mga nakatataas dahil hindi naman ako mayaman. Pwedeng pwede nila akong paalisin dahil scholar nila ako at nagkamali ako at wala akong maitatapat dun dahil wala naman akong pera.
I can’t afford the tuition. Kaya nga ako scholar! At hindi lang ito yung normal na tuition fee na fifty thousand or hundred thousand! It costs millions! At saan naman ako kukuha nun? Fifty thousand nga wala, milyones pa kaya?!
I felt my phone vibrate. Ito ngang phone ko ay mumurahin lang na android tapos iisipin ko pa yung tuition fee?!
Medyo naganahan ang puso ko dahil akala ko ay si Joey ito pero pagkatingin ko ay si Reid lang pala.
Reid:
‘Di ka papasok?Hilaw naman akong napangisi saka nag-type pabalik.
Ako:
Hindi ko nga alam kung pwede pa ako pumasok.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.