Chapter 32

34.5K 1.1K 549
                                    

Monthsary

“So sino yung lalaking kasama niyo kanina?” tanong ko kay Joey. Nasa labas na kami ngayon at pabalik na ng cafeteria. Dapat ay pabalik na kami ng kanya-kanyang classroom dahil anong oras na rin pero narinig namin sa ilang estudyante na naglalakad na may meeting daw pala ang lahat ng teacher kaya free kami sa next subject.

Nakahalukipkip siya habang naglalakad. She turn her head on me and meets my eyes. Then she shrugged, “Drake.”

Oo, Joey. Alam kong si Drake siya. Hindi yan ang ibig kong sabihin.

Napairap ako sa kawalan, “I know he’s Drake.”

Ngumisi naman siya at doon pa lang ay alam ko nang nangt-trip na naman siya, “Oh? Alam mo pala?”

Oo. Alam ko nga ring kasabay niyo siya kanina pagpunta dito. Alam ko ring magkasabay kayong pumunta ng room niyo.

“Oo, syempre. Ang tinatanong ko ay sino siya at bakit ngayon lang siya pumasok?” Ngumuso ako saglit. Nakakapagtaka kasi dahil masyado nang late para pumasok pa siya. Well, maybe mayaman talaga yun at maraming koneksyon kaya nakapasok agad.

I saw how Joey’s brows furrowed, “Why are you asking? Are you interested in him?” Napanganga naman ako. Ako? Interesado dun? The fuck? Hibang na ba siya?

Pinagseselosan ko nga lang kani-kanina at hanggang ngayon tapos sasabihin niyang interesado ako dun? Well maybe, yes, but not in the way Joey’s thinking. Interesado ako kung bakit nila kasama pagdating dito sa school kanina. Interesado rin ako dahil mukhang mayaman naman yun, wala ba yung kotse o driver para magpahatid?

“No!” Matigas kong iling.

“Then why are you asking?” taas naman niya ng kilay sa akin.

“I just want to know! Nagtataka lang ako…” Nguso ko pa lalo. Umirap naman siya sa akin. Akala ko ay tatahimik na lang siya at hindi ako papansinin pero maya-maya ay sumagot na rin siya.

“He’s a family friend. Kakauwi niya lang from States two weeks ago.” Sabi niya. Dahan dahan naman akong napatango. Pero hindi pa rin ako kuntento. Marami pa akong tanong.

“Eh bakit niyo kasabay kanina sa parking lot?” Halos maging binulong ko lang yun. Akala ko nga ay hindi niya narinig pero nagulat ako ng bigla siyang tumigil at lumingon muli sa akin.

“How did you know? You were there?” tanong niya. Nanliit naman agad ang kanyang mga mata ng umiling ako. Tila hindi siya naniniwala.

“Hindi!” mabilis kong tanggi at muling umiling para maniwala pa siya.

“Then how did you know na kasabay namin siyang pumasok kanina?” She raised her eyebrows on me, dahilan para mapangiwi ako.

Isip ng dahilan, Praize! Isip! Hindi niya pwedeng malaman na nandoon ka talaga dahil for sure ay magtatanong siya at magtatanong hanggang sa mabuking ang pagseselos mo!

“K-Kasi…” Kinagat ko ang aking labi dahil wala akong maisip na dahilan.

“What?”

“K-Kasi narinig ko sa mga ibang schoolmates natin! Alam mo namang laging kayo ng mga kaibigan mo ang usapan nila diba? Narinig ko lang.” Halos gusto kong sumigaw kasi nakahinga na ako ng maluwag dahil nakaisip ako ng rason.

Nakita ko namang napakunot ang noo niya af tiningnan ako sa mga mata para siguro tingnan kung nagsasabi ako ng totoo. Hilaw lang akong ngumisi sa kanya.

Damn it. Siguradong kapag umiwas ako ng tingin ay maiisip niya na nagsisinungaling talaga ako pero kung tititigan ko naman siya pabalik ay baka malaman niya naman na nagsisinungaling ako. She could read me easily. I feel like I was an open book when it comes to her.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon