Really
Pagpatak ng alas dose ay agad akong pumasok sa room naming mga workers dito. Kinuha ko ang mga damit na nakalagay sa isang paper bag sa aking locker at agad na pumasok sa CR doon na para sa amin.
Naligo ulit ako ng mabilisan at tsaka nagpatuyo. Sinuot ko na ang mga damit na susuotin ko ngayon. I’m wearing a vintage tee and a denim shorts. I tied the laces of my black sneakers and comb my hair.
The thought of Joey patiently waiting for me is actually making me happy pero ang kaisipan na baka naiinip na siya ay talagang nagpapakaba sa akin. Kanina pa siyang alas otso nakaupo dun. Sobrang hirap magtrabaho lalo na’t kapag sumusulyap ako sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
I bit my lower lip and stared at myself at the mirror for a few times. Pinasadahan ko ang buhok na mamamasa-masa pero talagang nagmamadali na ako. Mamaya ko na lang siguro kukunin ang mga damit na naiwan ko dito, dadaanan ko na lang pagkatapos ng lakad namin ni Joey.
Isang tingin pa sa salamin ay tumalikod na ako pero agad akong napatigil. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko kaya napapikit ako ng mariin at lumabas na ako sa silid na yun at naglakad papalapit kay Joey na nakatalikod sa akin ngayon.
Isang minuto na yata akong nakatayo sa likod niya pero hindi man lang ako gumagalaw o nagsasalita. Nagce-cellphone siya na isa pang dahilan para hindi niya mapansin na nasa likod niya na ako. Hindi ko alam kung anong meron pero ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko siya magawang kalabitin.
Damn, what’s happening to you, Praize?! Chill!
Ayos naman ako kaninang umaga kahit na nape-pressure ako kasi nakatingin siya sa akin. Pero ngayon… kulang na lang ay hilahin ko ang sarili pabalik sa room naming mga waitress dito. Ilang beses ako huminga ng malalim at kung anu-ano ang pinagsasasabi sa isip na nagtatalo na yata sa kung ano ba talagang gagawin ko.
Chill, Praize! Umayos ka.
Tatawagin mo lang siya! Ba’t di mo magawa?
Pero kasi… first date namin ‘to. Paano kung hindi niya magustuhan? Paano kung umayaw na lang siya bigla dahil ang boring ko kasama? Ugh, fuck!
Humigpit ang kapit ko sa tela ng shirt ko dahil sa isang salita. Date. Praize, nahihibang ka na ba? Hindi ‘to date! Pumayag lang siya sa aya mo, pero hindi ‘to date. Saan mo nakuha ang ideyang ‘yan?
Habang patuloy na pinapagalitan ang sarili ay hindi ko napansing nakatingin na pala sa akin si Joey. She’s looking up to me because she’s still sitting while I’m already standing. Ngingiwi na sana ako pero hindi ko na tinuloy at tumikhim na lang at ngumiti ng tipid.
“Joey,” halos parang bulong na lang ang pagkakasabi ko sa pangalan niya sa sobrang hina.
She’s just staring at me. Nakaawang ng bahagya ang kanyang labi and I suddenly felt the urge to place my lips against hers but that would be wrong, right? Hindi ko naman siya pwedeng basta-basta lang halikan dahil gusto ko lang.
Ngumuso ako dahil nakatingin pa din siya sa akin na parang hinahalukay lahat ng tinatago ko. Umiwas na lang ako ng tingin. Because I think if I won’t do that, she’ll know what I’m thinking right now. And her knowing that I’m dying to kiss her would be the end of me.
“Joey.” ulit ko pa pero this time ay mas malinaw ang pagkakasabi ko dito.
Napakurap kurap naman siya at napaiwas ng tingin. Nakayuko lang siya at napailing bago tumayo. I bit my lip to stop myself from smiling because she’s too adorable.
“Y-yeah?” sabay alinlangan niyang tingin sa akin. Hindi ko na nagawang pigilan ang aking ngiti at tuluyan na itong sumilay sa aking mga labi. I shake my head nang mapagtantong nawala ang kaba sa aking dibdib pero nandun pa rin ang paghuhurementado ng aking puso pero iba na ang dahilan.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.