Inviting
Nakababa na sila Joey sa stage at halos mapayuko ako dahil madadaanan nila kami. Napansin ko ang pagsulyap at ngiti muli sa akin ni Joey nung malapit na sila.
Maliit lang na ngiti ang binalik ko sa kanya at saka umiwas na ng tingin. Nasa likod niya lang kasi aang mga magulang niya at pakiramdam ko ay any time ay titingin ang mga ito sa gawi ko kahit na napakaimposible nun.
Umupo na sila Joey at Kraij sa respective seats nila at ang mga magulang naman nila ay umupo na rin sa upuan para sa mga parents or guardians ng mga estudyante. Or parang special pa nga ang kanila dahil may table pa. Siguro ay dahil stockholders sila at mataas ang posisyon dito sa school.
May katabi rin silang mag-asawa. Hindi ko alam kung kaninong magulang yon pero pamilyar ang mukha nung lalaki. Magkausap ngayon ang nanay ni Joey at yung isa pang babae na mukhang kaedaran din ng nanay ni Joey.
“Gago, akala ko awarding lang ang mangyayari ngayon, meet the parents mo din pala.” Bulong ni Reid malapit sa aking tainga sabay tumawa.
Lalo naman akong napalunok ako at tila hindi na mapakali sa upuan. Fuck, kailangan ko bang puntahan sila mamaya? Lapitan ko ba para bumati man lang?
Nakakahiya naman yun masyado! Hindi naman nila ako kilala eh!
Pero hindi ba nakakabastos naman kung hindi ako lalapit at babati? Since girlfriend ko si Joey… at mga magulang niya ito.
Crap, anong gagawin ko mamaya?!
“Hoy, ano ka ba diyan? Para kang kiti-kiti?” Tanong ni Reid. Sinamaan ko lang siya ng tingin at huminga muli ng malalim. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na yata ako ngayon. Pawisin pa naman ako lagi.
“Pawis na pawis ka na, girl. Magpunas ka nga.” Saad muli ni Reid.
Agad naman akong nagpunas ng pawis gamit ang kamay ko. Shit, ngayon pa ako nakalimot magdala ng panyo. Sure naman akong walang panyo ang dalawang ito dahil hindi naman sila nagdadala, minsan lang.
“Why do you look so nervous, Praize? Sasabitan ka lang naman ng medal.” Charles chuckled then he smirk at me.
Sumimangot naman ako sa kanya. Kahit anong sitwasyon yata ay aasarin pa rin nila ako kahit na anong mangyari. Yun yata talaga ang tunay na goal nila at hindi ang maging engineer at architect.
“No, that’s not the reason, Charles.” Ngisi muli ni Reid. Ngumuso naman ako at hindi nagsalita. Pinasadahan ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at tumingin ulit kala Reid.
“Ano bang rason?” tanong ni Charles.
Reid grinned mischievously, “Joey’s parents.” Agad naman nanlaki ang mga mata ni Charles at napa O pa ang bibig. Umirap ako sa kanila. Nakita kong tumingin pa si Charles sa direksyon ng mga magulang ni Joey.
“Oh… I see.” Saad ni Charles at lalo pang naging mapanukso ang tingin sa akin.
Ngumiwi na lang ako sa kanina lang at tumingin na lang sa stage. Halos isang mahigit isang oras na yata ang lumipas ng mapunta na sa STEM ang pagtawag. At dahil section 1 kami — thankfully — ay ang section namin ang pinakaunang tatawagin sa STEM strand.
Marami-rami kaming nakapasok sa honories dahil section 1 naman kami at hindi naman kami mapupunta sa section na ‘to kung hindi mataas ang nakukuha naming grades noong past grades namin.
The MC first started on my guy classmate since he’s surname starts on A. Sunod ang vice president ng classroom namin na babae. Napunta na sa letter E at tumayo na ang class president namin na si Blaiz. Sinalubong siya ng siguro ay kapatid niyang babae sa kabilang dulo, magkamukha kasi sila at mukhang magkaedaran lang. Hindi pamilyar yung kapatid niya, siguro ay hindi dito nag-aaral o baka naman ay wala lang talaga akong pakialam sa paligid.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.