Clean
Kakaparada ko pa lang ng aking bike sa parking lot ng school. Pagkatapos ko itong i-lock ng maayos ay pumihit na ako patalikod. Ngumuso ako at diretsyo lang ang tinging naglalakad.
Napatigil ako ng may sasakyang lumagpas sa akin. Agad ko itong hinabol ng tingin at agad na napangiti. A red Hilux. That means, it's Kraij's car. And Kraij's car means, there's Joey. My baby.
Huminto ako sa paglalakad at tinitigan lang ang kotse kahit na medyo malayo na ito sa akin. Maya-maya ay tumigil na rin ito at nag-park sa kanang bahagi ng malawak na parking lot. Nakapamulsa na ako at hinihintay na lumabas ang taong gustong-gusto ko na makita.
Dalawang linggo na nang pumunta kaming dalawa ni Joey sa park. Hindi pa kami nakakalabas ulit kahit na gustuhin ko man. Talagang busy lang kaming dalawa ngayon.
I gasped when Kraij goes out first. Nakasabit na sa kanyang balikat ang kanyang bag. Sumunod na lumabas si Joey kaya agad akong napangiti. She's looking so gorgeous in our uniform - well, lagi naman - and as usual too, hindi niya suot ang kanyang blazer.
Though for some reason ay nakalagay ang kanyang blazer ngayon sa kanyang braso. Dati kasi ay kahit dalhin man lang yan ay hindi niya ginagawa. I smirked a little. I wonder who made her bring that.
My brows furrowed again when they just stand beside each other as if like they're waiting for someone to come out of the car. Bakit? May kasama ba sila ngayon? Sino?
Nandilim ang mukha ko nang maisip na baka si Karl na naman yon. Bakit ba laging sumasama yon? Ang yaman yaman naman niya. Wala ba siyang sariling kotse?
But I was wrong.
It's not Karl who came out from the car. It's not one of their friends or their classmates either. But it's a guy.
A handsome guy, I won't deny. Mukha itong foreigner kahit malayo pa lang. Malinis ang mukha nito at tila anghel. Pati aura ay malinis at tila hindi gumagawa ng masama. Matangkad din ito, marahil ay six footer pataas ang height. Naka clean cut at suot suot ang uniform ng boys ng Ventell. Malawak din ang ngiti niya.
He doesn't seem familiar to me. Ngayon ko lang siya nakita. Probably from another strand? Or a tranferee? Maybe.
Ngayon ko lang siya nakitang kasama nila Joey. Baka transferee nga. Dahil kahit kailan may ay hindi ko siya nakitang kasama nila Joey dito sa school. May ibang kaibigan din naman sila Joey sa ibang strands - mostly dahil kay Kraij at Reese - at hindi siya kabilang sa mga nakita ko.
Napanguso ako nang ngumiti sa kanya si Joey. Oo, medyo malayo sila sa akin pero pagdating kay Joey ay kita ko ang lahat. Ngumiti rin siya kay Joey.
I raised my eyebrows when I saw the new guy holding a bag on his right hand - must be his - and... Joey's bag on his left one.
My jaw clamped. Bakit niya dala dala ang bag ni Joey. Mukha bang walang mga kamay si Joey para dalhin niya ito? Mukha bang walang lakas si Joey para bitbitin yon kaya siya na lang ang gumawa? At bakit naman hahayaan ni Joey na dalhin nito ang bag niya?
Saglit silang nag-usap ni Joey habang katabi lang at tahimik lang si Kraij sa gilid. Maya-maya ay mukhang haharap na sila kaya agad akong tumalikod. Tumigil lang ako at hindi pa rin naglakad.
I'm actually waiting for them to passed by me. For sure naman ay makikita ako ni Joey dahil lagi naman siyang ganun tuwing nagkakasalubong kami dito sa parking lot. She'll always notice me. Always.
But I think that 'always' doesn't include today.
Dahil nakalagpas na lahat lahat silang tatlo sa akin at hindi pa rin ako napapansin ni Joey. Nakatingin lang siya sa phone niya at paminsan minsan ay lilingon doon sa lalaking kasama nila para makipag-usap. May sinasabi kasi yung lalaki at tila may kinukwento.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.