Chapter 13

40.6K 1.5K 508
                                    

Cook

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ng marinig ang malakas at nakakarinding tunog ng alarm. My eyebrows are furrowed as I reach my phone at the side table.

Umupo ako at papungas pungas pang nagkusot ng mga mata. I open my phone and check the time. I feel like my color drained out of my face when I saw the time. Holy shit! Fuck! Tangina!

Eight-thirty na nang umaga. Late na late na ko sa trabaho ko sa coffee shop! Crap, sabi na nga ba at walang kwenta at hindi tatalab sa akin ang alarm alarm na yan. Tulog mantika talaga ako kahit kailan.

Nagigising ako ng maaga dahil yun ang nakasanayan kong oras ng pagpasok ko. Kumbaga, alam na ng katawan at utak ko kung anong oras ako dapat gumising kaya hindi na ako gumagamit ng alarm. Pero dahil anong oras na ako nakauwi, ay hindi ako nagising sa tamang oras.

Puyat na puyat ako. Alam kong walang laban sa puyat ko ang nagigising ako ng mag-isa sa tamang oras ng kahit walang alarm. Kaya nag set na ako ng alarm sa phone ko pag-uwi ko kaninang madaling araw. Every five minutes pa nga ang mga naka set para kapag hindi ako nagising sa isa ay may tutunog pa ulit.

Pero putanginang yan, hindi pa rin gumana at anong oras pa din ako nagising.

At oo, madaling araw na ako nakauwi. Alas dos na yata sila nagkayayaan umuwi. Antok na antok na kasi ako. Napansin yata ni Joey ang pagkaantok ko samantalang siya ay buhay na buhay pa rin sa tabi ko at hindi man lang dinadaanan ng antok. Mas sanay pa talaga siya kesa sa akin.

Lumapit siya kay Kraij nun at may binulong. Nagtaka ako nung una kung ano pero nung nagreklamo si Kraij ay nalaman ko na. Nagyayaya na pala siyang umuwi. Nung una ay ayaw pa ni Kraij dahil masyado pa raw maaga para umuwi pero nagpumilit na si Joey kaya sa huli ay wala ring nagawa si Kraij at nagyaya na lang din umuwi.

Hindi makahindi si Kraij sa kapatid niya. I feel her. Sino ba namang makakahindi sa isang Joey Vermont? I mean, I’ll willingly go on bended knees if she wanted me to.

Napatiim bagang ako at napailing. Dapat pala ay uminom na lang ako ng uminom kagabi, kung alam ko lang na hindi rin pala ako makakapasok ngayon. Joke lang, binabantayan ko pala si Joey kaya bawal pa rin ako malasing at baka hindi ko mamalayan at may humatak na dun.

Maraming nagtangkang lumapit sa kanya kagabi. But I’m already glaring at them before they could even make a move. At nakatabi lang ako buong gabi kay Joey at hindi umaalis.

Pagkabalik namin sa loob ay nagtanong agad sila kung anong nangyari sa amin but we chose to stay silent about it. We just ignore their questions. Nakatingin si Kraij sa amin kahit na may babaeng kumakausap sa kanya sa tabi niya pero ilang saglit ay binalik niya na ang atensyon sa babae. Siguro ay napansin na okay na kami ni Joey.

At hindi ko na hinayaang makaupo ulit si Joey sa tabi ni Karl. Hinila ko siya paupo doon sa katabing sofa nun at doon kami umupo. Hindi na rin naman nag-usisa si Joey at nagpatianod na lang.

And of course, hindi ko na hinayaang uminom pa ulit si Joey. And to my surprise, hindi pa rin siya nagreklamo. Sa katunayan nga ay noong bibigyan sana siya ng isang shot nung isang lalaki na kaibigan yata nila mula sa ibang school ay siya pa mismo ang umiling.

Hindi kami mapaghiwalay kagabi. Naglaro rin sila ng mga games katulad ng beerpong pero hindi kami sumali at nanonood lang. Tinukso pa nga kami na parang ayaw na raw namin bumitaw sa isa't isa — which I guess is true, well, at least for me — but we just laugh and ignored them.

Ipinilig ko ang ulo at nag-inat. Tama na ang kakaisip sa mga nangyari kagabi, Praize. May dapat kang problemahin ngayon. ‘Yun muna ang isipin mo.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon