Chapter 34

31.5K 1K 292
                                    

Proud

Naalimpungatan ako nang may maramdamang humahalik sa aking buong mukha. Agad akong napangiti dahil alam ko kung sino yon. Well, sino pa bang natulog kagabi sa aking apartment?

It’s none other than my Joey.

At bukod sa alam kong dito siya natulog, kilalang kilala ko rin ang amoy niya. Tingin ko ay makikilala ko agad siya kahit nakapikit ako buong maghapon. Maamoy ko lang siya ay sapat na.

“Baby…” I whispered. Iniwas ko ang mukha sa kanya dahil patuloy pa rin ang pagbibigay niya ng halik sa mukha ko. Narinig ko naman ang hagikgik niya.

Minulat ko na ang aking mga mata. Nagkusot kusot muna ako ng mata bago tuluyang tumingin sa kanya. I found her looking so gorgeous in her morning face.

Bahagyang namumungas pa ang kanyang mga mata, medyo gulo rin ang buhok niya at halatang kakagising lang din.

“Good morning, baby.” She let out a husky voice. Fuck, it sounds so good! Pakiramdam ko ay handa akong makipagpatayan kahit kanino basta ang kapalit ay marinig ko muli ang bedroom voice niya.

“Morning.” Maikli kong sabi at niyakap siya. Habang nakayakap ay pasimple kong kinuha ang phone ko at nakitang alas siyete na.

Still too early for me but I don’t know for her.

“Hindi ka pa ba uuwi, Joey?” Tanong ko.

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap at sumimangot, “Why? You don’t want me here na?”

I shook my head, “No. It’s not that. Baka hinahanap ka na sa inyo.” She just shrugged at me and stand up.

“Later. Twelve pa naman ang pasok natin. I’ll go home at nine.” Saad niya na nagpatango na lang sa akin. Pumasok na siya sa CR, baka balak maghilamos. Tumayo na rin ako at sumilip sa CR. Nakita ko siyang naghihilamos nga.

“Joey, may extra toothbrush ako diyan. Yung kulay green.” She glanced at me and nodded. Ngumiti naman ako at hinintay siya sa labas ng banyo matapos. Maliit lang kasi ang CR, isang tao lang ang kasya.

Nang matapos siya ay binigyan ko siya ng twalya at ako naman ang pumasok sa loob. Naghilamos na rin ako at nag toothbrush. Pagkalabas ay dumiretsyo ako sa kusina at nilingon siya.

“Dito ka ba magbi-breakfast or sa bahay niyo na?”

“Here.” She smiled and took her phone beside her and play with it.

Nagsimula na akong magluto. Pagkatapos ay hinain ko na agad yun at saka kami nagsimulang kumain. Napansin kong habang kumakain ay paminsan minsan pa rin niyang kinukuha ang cellphone sa tabi at may tinitingnan dito.

“Joey, mamaya na ‘yan.” Saway ko pa. Napatingin naman siya sa akin at nag mouthed ng ‘sorry’ saka inilapag niya muli ang phone sa lap niya. Hindi niya na ginalaw yun habang kumakain kami kaya hindi na ako nagsalita pa.

Nang matapos kaming kumain ay nanood na lang ako ng TV habang siya naman ay may kinakalikot na naman sa phone niya. Sinusulyapan ko siya pero tila tutok na tutok siya doon kaya hinayaan ko na lang. Baka may ginagawa.

Nang mag alas otso y medya ay kinuha ko na mula sa sampayan ang suot niyang dress at undergarments kahapon pagpunta niya dito. Nilabhan ko ito kagabi para malinis kapag umuwi na siya sa kanila.

“Joey, you need to get ready. Magpapasundo ka ba?” Ngumuso ako at nagtanong. Napatango naman siya at tumayo na rin. Naligo siya sa CR at nagbihis na. Paglabas niya ay nakabihis na siya kaya ngumiti ako.

Abala siyang nagsusuklay. Ako naman ay nakaupo lang sa kama. Kumunot ang noo ko nang makitang nakabukas pala ang phone niya. Naka-charge ang akin habang ang kanya naman ay fully charge pa dahil pinauna ko siyang mag charge kanina dahil aalis na nga siya.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon