Win
“What do you want to eat?” my eyes darted at Joey. I lifted my brows and wait for her answer. Ngumuso naman siya at ni-tap ang mga daliri sa kanyang hita. Nakapameywang ako habang naghihintay ng sagot niya. Sana naman ay hindi mahirap ang ipaluto niya, hindi naman ako magaling. At sana rin ay may ingredients ako dito ngayon sa apartment ng ipapaluto niya.
“I…,” tumingin pa siya sa ceiling na parang nag-iisip ng mabuti. Bahagya akong napangisi, ang cute niya talaga. Nakakagulat pa rin na may ganito pala siyang side, akala ko ay puro cold at pagiging masungit lang ang meron siya.
“Hmm?”
“Well, I want…” her eyebrows snapped together, making her look like she’s having a hard time.
“What?” tanong ko.
Maya-maya ay tumingin na siya sa akin. She lick her lower lip and then shrug, “I don’t know. Ikaw na bahala,”
My jaw drop when she said that. Grabe, hintay na hintay pa ako dito tapos wala lang pala siyang maisip. Umiling ako. I really couldn’t believe this girl sometimes.
Before I turn my back on her, I saw the corner of her mouth quirked up. Tila’y nang-aasar. Halatang natutuwa sa reaksyon ko. Nagkunwari akong hindi ko yun nakita, pagkatalikod sa kanya ay doon na sumilay ang ngiti sa aking labi.
Siguro ay kanina pa siya walang maisip pero nagkunwari lang na natatagalan mag-isip para magmukha lang akong tangang naghihintay dito ng sagot niya. Ah, madali ka na palang mapaniwala ngayon, Praize? You have been easily fooled.
Tumingin muna ako sa mini-ref ko kung anong pwedeng lutuin. May manok pa dun kaya ito na lang ang kinuha ko. I’ll just cook Adobong Manok. Nagsimula akong gumalaw para magluto. Hindi ako nagsasalita at lumilingon man lang kay Joey na sigurado akong nasa likod ko at pinagmamasdan ako.
I could feel her piercing stares.
Hindi ako tumitingin dahil baka mailang ako at mamali pa ako sa niluluto ko. Ganito naman ako lagi tuwing nandyan siya, kala mo kiti-kiti lagi, hindi ako mapakali. Kaya mas mabuti nang hindi ko siya tingnan.
Habang hinihintay na kumulo ang chicken ay nakatingin lang ako sa kawali kung saan ako nagluluto. Ni hindi ako sumusulyap at lumilingon man lang. Bakit pa ba kasi siya kailangan nakatingin sa akin at parang binabantayan ako? Marami naman siyang pwedeng gawin habang naghihintay.
“Iryl,” Napapikit naman ako at muntik nang mapangiwi ng tinawag niya ang pangalan ko.
Kinagat ko ang labi ko bago sumagot, “Bakit?”
“What are you cooking?” kuryoso niyang tanong.
“Adobong Manok.” I shortly answered, halatang pinapatay agad ang usapan. Narinig ko naman siyang nag hum bago nanahimik ulit.
Maya-maya ay nagsalita na naman siya, “Iryl,”
“Hmm?”
“Make sure that’s good ah.” Napatigil naman ako sa sinabi niya. Why did she have to say that? Napairap ako sa kawalan dahil nagsimula akong makaramdam ng pressure. Kasi naman, ayos na eh. Joey naman. Ba’t kailangan pang sabihin yun?
“O-okay.” I heavily uttered. Narinig ko ang bungisngis niya, marahil ay narinig akong mautal kaya tuwang tuwa ngayon.
“Iryl,” tinawag na naman niya ako. Ugh, Joey naman eh, baka ma-distract na ako ng tuluyan! Kapag ito hindi naging masarap ang kalalabasan, hindi ako may kasalanan.
“Why?” labas sa ilong kong sagot. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
I heard her cussed kaya napakunot ako ng noo pero hindi pa rin lumingon.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.