Chapter 21

39K 1.5K 959
                                    

Addicted

"J-Joey..." I muttered. Nagsimulang kumabog ng sobrang bilis ang aking puso at nagwala na ang mga halimaw sa aking tiyan. Hindi ako sigurado kung ano ang dahilan, kung ang kaba ko ba dahil siguradong galit na naman siya o dahil sa kilig kasi nandito siya ngayon.

She grimaced and look away. Tumalikod siya, akala ko ay aalis siya pero napahinga ako ng malalim nang umupo lang siya sa isang table sa dulo.

"Oh... I think your girlfriend is mad." I turn my head to the girl at my back. Kumunot ang noo ko at nag-igting ang panga. She's still smirking. Now I wonder kung sinadya niya ba dahil nakita niya si Joey o sadyang nagkataon lang?

But still... hindi niya dapat ginawa yun.

"You shouldn't have did that, Angela." Matigas at mariin kong sambit. Tumaas naman ang kilay ni Angela habang nakatingin sa akin. Nawala ang ngisi niya at umiwas ng tingin.

"S-sorry," Hingi niya ng paumanhin.

Hindi na ako nagsalita at mabilis na tumango na lang. Tumalikod na ako sa kanya. Narinig kong tinawag niya pa ulit ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.

I went to the counter at kumuha ng isang tray na may lamang order. Kinuha ko ang number 12 dahil yun ang pinaka-malapit kay Joey. Hindi pa kasi siya umu-order sa counter at dumiretsyo lang sa upuan. Kaya ako na lang ang magtatanong, para makapag-usap na din kami at makapaliwanag sa nangyari nung isang araw at sa nakita niyang paghalik sa pisngi ko ni Angela.

Binigay ko yung order nung babae at ngumiti ng magalang.

Pagkatapos ay naglakad ako palapit kay Joey. Nakatalikod siya sa akin. Nang makalapit ako ay nakita ko siyang nakapatong ang mga kamay sa table at magkasalikop ang mga ito. Nakakunot ang kanyang noo na tila may iniisip na malalim at iritado.

"Joey..." tawag ko.

Agad naman siyang napalingon sa akin. May pagtataka nung una sa kanyang mga mata pero nang makita na ako ito ay napalitan ng galit.

"Oh, it's you." She sarcastically said. Halos mapangiwi naman ako sa tono ng boses niya.

"Uhm, what do you want to order?" tanong ko. Mamaya ko na lang siya kakausapin kapag nabigay ko ma order para walang sagabal.

She gnashed her teeth, "Iced Coffee."

My eyebrows furrowed, "Not Latte?" Pansin ko kasi na lagi niyanh order dito ay latte kaya nagulat ako dahil Iced Coffee ang ni-order niya.

"Bakit? Bawal ba?" masungit niyang balik ng tanong sa akin.

"H-hindi naman." I muttered a curse on my mind when I stuttered. Pero mukhang hindi niya naman yun napansin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tiningnan niya lang ako saglit at umiwas na muli ng tingin.

"Yun lang?" muli kong tanong. I'm trying to lose the tension between us pero mukhang hindi ako nagtatagumpay at lalo lang itong bumibigat.

"Oo." maikli niyang sagot. Hindi ko naiwasan ang pag nguso dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Okay, sige, saglit lang." Bumalik ako sa counter at sinabi ang order ni Joey.

Ngumisi sa akin si Rosalyn, "Naks, ang swerte naman ni ate, may special treatment. May tagakuha ng order," Halakhak niya pa. I just shook my head and smirked.

"Pero sabagay, mukhang yayamanin talaga. Kita mo yung damit oh, Gucci! Legit ba yan?" angat ng tingin ni Rosalyn na may kuryosong mga mata. Sinulyapan ko si Joey at nakitang may tatak nga ng Gucci sa kanyang shirt.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon