Chapter 28

38.1K 1.2K 387
                                    

Destination

Ngumuso ako at humalukipkip habang nakadantay sa matigas, matayog at kulay puting pader. I checked my phone and glance at the huge gate again.

Pinagmasdan ko ang limang guards na nakaantabay sa labas at loob ng gate. Bahagya akong napangiwi, halatang sobrang yayaman ng mga nasa loob ng village na ito kaya maraming guards.

Nasa labas ako ngayon ng village nila Joey. They call this the Royale Village. Pangalan pa lang ay masasabi mo na agad na tila may mga kaya sa buhay ang mga may-ari ng bahay sa loob. Kumbaga sa monarchy, sila yung mga elite o kaya royalty.

Hindi na muna ako nagbalak na magtanong sa guards kung pwede pumasok dahil siguradong hindi nila ako papayagan. Balita ko ay matindi ang security sa village na ‘to, syempre ba naman, mala maharlika ang mga nakatira eh.

I typed on my phone.

Ako:
Joey. Are you free today?

I licked my lips and waited for her reply. Kakatapos lang ng shift ko sa coffee shop at dito na ako agad dumiretsyo. Iniwan ko na lang ulit ang bag ko sa coffee shop at kukunin na lang mamaya. Nakakatamad na kasing bumalik pa sa apartment eh pupunta rin naman ako dito.

Napatingin akong muli sa phone ko ng mag vibrate ito.

Joey:
Yup. Why?

Agad akong napangiti ng mabasa ang reply niya. Great! Hindi masasayang ang punta ko dito kahit walang kasiguraduhan.

Kanina ko lang kasi naisip na ayain si Joey para lumabas kaya hindi ko na siya nagawang i-text. Pumunta na agad ako dito kahit hindi ako sure kung free ba siya ngayon o baka may iba siyang gagawin at hindi siya pwede.

Ako:
Do you want to… go out with me today?

I bit my lower lip. Napatiim ako ng bagang dahil nagsimulanh dumagundong na naman sa kaba ang aking puso. Sana naman ay pumayag siya.

Napatalon ako nang tumunog ang aking phone at lalo akong kinabahan dahil tumatawag si Joey. Shit. Sasabihin ba niya na hindi siya pwede ngayon?

I accepted the call and put my phone close to my ear. Napalunok ako at tumikhim bago magsalita.

“Hi, Joey.” bati ko.

“Hey, baby.” Marahan akong napangiti sa sinabi niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pero ngayon ay dahil na sa saya at kilig at hindi na sa kaba.

“Free ka ba ngayon?” I scratched the back of my head. Rinig ko ang pagtahimik niya sandali kaya kinabahan na naman ako. Shit, wrong timing ba ako ngayon? Baka hindi siya pwede. Sayang naman.

“O-okay lang naman kung hindi. May susunod pa naman.” Maingat kong sabi sabay muling kagat ng labi.

Napakunot ako ng noo nang hindi pa rin siya sumagot. Ramdam at rinig ko ang bawat paghinga niya kaya alam kong nandun pa talaga siya.

“Joey?” banggit ko ng pangalan niya. Why is she not talking? It’s making me nervous!

“Where are we going?” Napaayos ako ng tayo nang sumagot na siya sa wakas. Napangiti ako ng malawak sa tanong niya. Bakit siya nagtatanong? Ibig sabihin ba ay sasama siya?

“Sa park… malapit sa Ventell?” natawa siya ng patanong ang naging pagsagot ko. I’m not sure eh! Baka hindi niya gusto dun. Edi sa iba na lang.

“Why are you not sure?” she chuckled again. Naramdaman ko ang mga yabag niya na tila naglalakad.

“I’m sure. I’m sure!” mabilis kong sagot sabay tawa. Halos mapangiwi ako nang may halong kaba ang pagtawa ko. Mukhang napansin niya yun kaya natawa siya ulit.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon