Drawing
Pagtapos ng pakikipagkamay namin sa kanilang lahat ay agad na akong lumabas ng meeting room. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay napabuga na agad ako ng hangin.
Damn, akala ko ay mababaliw na ako sa kaba dun sa loob kanina!
Mariin akong napapikit saka lumingon sa aking likod dahil may narinig na akong mga yabag pa na paalis. Napahinga na lang ako ng malalim nang makitang sila Charles ‘yon.
Lumapit sila sa akin kaya sinamaan ko na sila agad ng tingin. Napalunok naman sila Engineer Amaron at Engineer Carson samantalang si Charles ay nakangisi lang. Si Engineer Alfheya naman ay tila naguguluhan kung bakit ganito ang hitsura ko ngayon.
“Bakit kayo pumayag?” My brows are furrowed as I asked the question. Nung una ay tila naguguluhan sila sa kung anong tinatanong ko pero kalaunan ay mukhang na-gets na rin nila.
“Akala kasi namin ay gusto mo kaming pumayag eh,” Kinakabahang saad ni Engineer Amaron. The hell? Anong gusto ko silang pumayag? Hindi ba nila nakita ang mga masasama kong tingin sa kanila kanina?!
“What’s wrong with us staying here, Engineer Iryl?” Tanong naman ni Engineer Alfheya.
Napatahimik naman ako agad. Nagsitanguhan ang dalawa pa naming kasamahan saka tumingin din sa akin. Si Charles lang ang may alam ng aking dahilan kaya nakangisi lang siya ngayon at halatang nagpipigil ng tawa.
This motherfucker.
I just shook my head and look at them. I faked a smile, “Wala naman. Sige, tara na.”
Naglakad na kaming papuntang elevator. At habang papunta doon ay pasimple kong hinigit ang braso ni Charles. Agad naman siyang napaamang at saka gulat na tumingin sa akin.
“What the hell? What’s your problem, dude?”
At talagang may gana pa talaga siyang magtanong ah.
“You, fucker. Bakit hindi mo sinabing nandito na pala si Joey?” Matalim kong bulong sa kanya.
Lumayo naman siya mula sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya saka ngumiwi, “I didn’t know! Ngayon ko lang din siya nakita pagkapasok namin sa conference room!”
I just glared at him more, “Ang dami mong text sa akin kanina tapos hindi mo man lang naisipang sabihin?”
Napanguso naman siya dahil mukhang nahuli ko na siya. Gago talaga, gusto talagang kabahan ako on the spot!
“Hindi ka naman nagtanong eh.” And then he smirked and walked faster to leave me behind. Tumabi na lang siya kala Engineer Amaron at Engineer Carson saka nakipag-kuwentuhan.
Nang malapit na kami sa elevator ay agad akong napalunok at halos napahinto nang makita sila Joey kasama si Kraij at Drake sa tabi niya. Tila naghihintay din sila ng elevator.
Shit, kung minamalas ka nga naman talaga.
Wala na akong nagawa kundi bahagya na lang na yumuko saka napanguso. Tumigil na kami sa tabi nila kaya mukhang napansin na rin nila kami kaya napatingin din sila sa amin.
Pasimple naman akong umayos ng tayo nang makitang tumingin sa akin si Joey. Pero hindi ko siya tiningnan pabalik at diretsyo lang ang tingin sa nakasarado pang elevator.
“Hi, Ma’am Kraij and Ma’am Joey. Hi rin, Sir Drake.” Halos mapangiwi ako nang binati pa sila ni Engineer Amaron. Grabe, napakagalang naman talaga.
I mean, alam ko namang walang masama sa pagiging magalang, sa katanuyan ay isa pa nga ‘yong magandang trait at alam ko ring hindi naman niya kasalanan na hindi niya alam ang dati kong koneksyon kala Joey pero grabe naman, aatake na nga lang ang pagkagalang niya… bakit ngayon pa talaga?
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.