Chapter 41

35.1K 1.1K 174
                                    

Announcement

Pagkatapos sabihin yon ni Mrs. Vermont sa akin ay hindi na ako nakapagsalita. Sila-sila na lang ang nag-usap at hindi na ako nagsalita o sumali.

Joey is coming back? What the fuck? Uuwi na siya pagkatapos ng halos siyam na taon?!

“Engineer, didn’t you graduated at Ventell University? Magka-edaran lang kayo ni Joey. Baka kilala mo siya?” Lalo akong napatigil nang tanungin ‘yon ni Mrs. Spencer. Nakita kong napatigil at napatingin din si Mrs. Vermont sa akin.

May tila kirot sa puso ko nang maisip ‘yon. Nagkatinginan kami ni Ma’am Lorraine at umiwas naman siya ng tingin sa akin agad.

I opened my mouth but nothing comes off. I don’t know what I should say! Kung aamin ba ako o hindi. Ano, sasabihin ko na lang bigla na ex ko si Joey at naghiwalay kami dahil iniwan ko siya?! Sasabihin ko na lang ba sa harap nila na kahit mahal na mahal ko si Joey ay nagsakripisyo pa rin ako para lang hindi siya umalis?

Ano, sasabihin ko na lang na ginawa ko yon dahil akala ko ay hindi siya paaalisin ng Pilipinas pero ang hindi ko alam ay mukhang dahil pa sa akin kung bakit siya na lang mismo ang nagdesisyong umalis ng bansa?

Sasabihin ko ba na ako ang dahilan kung bakit si Joey na mismo ang nagdesisyong umalis… kasi nasaktan ko siya. Umalis siya kasi iniwan ko siya.

Hindi ko alam na dapat ay hindi ko na lang ginawa ang pag-iwan ko dahil aalis din naman pala siya. Dahil baka kung hindi ko iniwan at pinaalis siya ng bansa ay magkaroon pa kami ng tyansa… pero dahil iniwan ko siya at ang galit at sakit na dinulot ko sa kanya ang dahilan niya kung bakit siya umalis ay… tuluyan nang nawala ang tyansa na ‘yon.

I’m the reason why she just decided to left the country and moved to the States. Because I thought I’m protecting her with my decision. Because I thought she would not be away from me if I left her… I never thought na sa sobrang sakit na naramdaman niya ay siya na mismo ang kusang aalis ng bansa.

Pilit kong inabot ang aking labi para ngumiti, “Yes, I know her.”

Kilalang kilala ko siya at kilalang kilala niya rin ako. We both know each other so much that we she even slept on my apartment that time. We know each other to the point that we could just play with each other’s phones and we won’t mind it. We know each other so much that I could kiss her anytime I want and she wouldn’t get mad because she’ll even like it and vice versa.

But things changes, people changes, some decisions could even change us.

Yes, we know each other very well… before.

But maybe… not anymore.

Umalis na rin sila Mr. at Mrs. Spencer pagkatapos ng ilan lang usapan. Kasama nila sila Mrs. Vermont at si Haspyn. Noong una ay ayaw pa ngang sumama sa kanila ni Haspyn pero may mahalaga raw na pag-uusapan o kikitain ang pamilya nila kaya kinailangan nilang biglang umuwi na. Tila nga excited ang mukha ni Haspyn noong sumunod sa kanila.

Ako naman ay tahimik na napaupo na lang. Nagtanong sa akin si Charles pero hindi ko siya sinasagot at tahimik pa rin kaya nagkibit-balikat na lang siya at muling nakipag-usap sa iba naming kasamahan.

Hindi ko na alam kung pang-ilang wine ko na ‘to. Wala akong pakialam. Wala namang tama sa akin dahil sobrang mababa lang yata ang tama nito.

Ngumuso ako at muling napa-check sa phone ko. Nine o’ clock na. Medyo inaantok na ako dahil sa sobrang daming nangyari kanina sa ribbon cutting at kani-kanina lang dito sa restaurant.

May kinu-kwento ang isa naming kasamahan na engineer pero ngumingisi lang ako para masabing may naiintindihan ako pero ang totoo ay wala naman talaga. Marahan kong pinaglalaruan ang aking lower lip at bahagyang napapakunit ang noo dahil nabuburyo na talaga ako dito.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon