Take
Pagkapasok ko ng room ay wala pa akong naabutang tao. Mas mabuti na yun para walang magulo sa tabi. Ayoko ng maingay kapag gumagawa ako ng school works ko at ng mga nagpapagawa sakin, hindi ako makapag concentrate.
Maaga akong pumasok ngayon dahil kahapon ay maraming nagpagawa. Homeworks lang naman ang tinatanggap ko. Ayoko ng mga malala at mahirap gawin na projects. Pumayag ako sa mga ganun dati pero kalaunan ay tumanggi na ako.
Masyado akong napagod nun at nagkasakit dahil sa kakapuyat para matapos ang mga ito, mabuti sana kung walang mga deadline ang mga yun at pwedeng huwag muna gawin, eh meron.
Umupo ako sa aking pwesto at kinuha sa bag ang mga notebooks. Siyam ang nagpagawa sa akin kahapon. Kung nagiikot ikot siguro ako sa bawat room ay mas marami pa rito ang nagpapagawa. Pero hindi naman ako ganun. Kapag lumalapit lang sila at kusang nagtatanong kung pwedeng magpagawa ay saka lang ako pumapayag.
Hindi ako yung tipong iikutin ang buong school para maghanap ng magpapagawa. That would be too embarassing.
Ginagawa ko 'to para may extra akong pera, ang kalahati kasi ng sweldo ko sa coffee shop ay pinapadala ko sa amin sa probinsya. Alam kong mahirap ang buhay dun kahit na hindi nila sinasabi sa akin tuwing nag-uusap kami nila Mama. Pinapagalitan pa nga ako pero hindi ako nakikinig at nagpapadala pa rin.
Habang tinatapos ang essay na performance task ng isang HUMSS student ay napatigil ako ng may maalala na naman. I remember what happened last last night with Joey. I remember Cell, and then Joey wearing just a crop top and me not liking it, and then we went to their condominium and watch a Netflix series.
I bit my lip and tried so hard not to smile but I failed. Mabuti nalang at wala pang tao ngayon dito sa room kung hindi ay baka napagkamalan na kong baliw. But I really can't help it. It felt like a dream come true.
I can't believe that she would take me to her condo and watch Netflix with me. I can't believe that she chose to be with me instead of her sister and friends. Heck, I can't believe that she fucking hold my hand for the first time!
Kung hindi lang siguro ako pinagte-text ni Reid at tinatanong kung nasaan ako ay baka nanatili na lang ako doon buong gabi. Nagpasundo ako kala Reid sa Grande de Vermont. I remember her disappointed look when I bid my goodbye to her. Nah, I think I'm flattering myself too much. Si Joey, magiging disappointed kasi aalis na ko? Impossible.
Ipinilig ko ang ulo ko at nag try na mag concentrate na sa ginagawa. Kaya hindi ko natapos ang lahat ng 'to sa bahay kagabi ay dahil dun. Hindi ako makapag-isip ng maayos at pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
Hindi ko nakita si Joey kahapon dahil hindi naman ako pumunta ng room nila. Hindi rin ako kumain sa cafeteria dahil kay Charles na ang daming pagkain na pinasalubong ni Selene na girlfriend niya galing New York. Sobra sobra yun kaya nakisalo na kami ni Reid. Tatanggi pa ba kami? Libre na yun.
Nang matapos ang lahat ng tinatapos ko ay saktong pagsisidatingan ng mga kaklase ko. Tahimik lang akong nakaupo at tinatanguan at nginingitian ang mga ilang kaklase kong babae na bumabati ng magandang umaga.
Binigay ko rin sa isang kaklase kong lalaki na nagpagawa sa akin kahapon ang kanyang notebook na assignment namin sa Gen. Math. Maya-maya ay dumating na si Charles, salamat naman at may makakausap na ako. Nag fist bump kami at umupo na siya sa tabi ko.
"Where's Reid?" tanong ko. Kadalasan kasi ay sumasabay si Reid sa kanya.
"Dunno. Sabi niya huwag ko na raw siya sunduin. Kaya niya naman daw," Nagkibit balikat si Charles. Ngumisi lang ako at napailing. I'm sure na hindi yan totoo.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.