Cry
Pagkatapos sabihin 'yon ni Mrs. Vermont ay napatulala na lang ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko at wala akong gustong isagot sa kanya. Umalis na siya nang hindi pa rin ako sumasagot at napayuko na lang.
Pilit ko pa ring pino-proseso hanggang ngayon ang sinabi ng nanay ni Joey pero ilang oras na ay tila hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. O baka... ayoko lang talagang i-sink in ang lahat sa utak ko.
I'm staring at the ceiling of my apartment right now. Nakaupo pa rin ako ngayon sa upuan at hindi pa rin makapaniwala.
Si Joey... ipapadala sa US? Tapos pagdating niya doon ay puputulin lahat ng koneksyon namin sa isa't isa? Tangina, paano 'yon?
Hindi ko kakayanin 'yon pag nawala siya. Ni mawalay nga lang sa kanya ng konti ay halos mabaliw na ako sa kakaisip at pagka-miss sa kanya, tapos ipapadala pa siya sa ibang lugar na kontinente ang pagitan namin?!
Ayoko siyang umalis. Hindi ko kayang wala siya at hindi siya nakikita. I think I'll go crazy if she left.
Pero sobra naman 'yong kapalit para lang hindi umalis. Bakit naman ganun? Bakit naman kailangan kong iwan siya para lang mag-stay siya dito? Bakit naman kailangang masaktan ako at higit sa lahat ay masaktan ko siya para lang hindi siya mapalayo sa akin?
Hindi ako nakatulog buong gabi. Sinubukan kong matulog kaninang madaling araw pero wala talaga, gising na gising pa rin ang diwa ko. Gusto kong matulog pero tila hindi ako pinapatulog nang sakit na nararamdaman ko ngayon.
I want to cry and I feel like crying but I can't. Hindi ako makaiyak. Para lang akong winawasak sa loob at hindi ko mailabas ang sakit. Para lang akong unti-unting pinapatay sa kaisipang masasaktan ko si Joey dahil sa desisyon kong iwan siya.
Ayaw kong iwan siya. Kaya nga siya ang pinili ko dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin tapos dito rin naman pa rin pala mapupunta ang lahat?!
Iiwan ko pa rin pala siya. Mawawala pa rin pala siya. Kailangan ko pa rin pa rin pala siyang iwan sa huli at mawawala pa rin pala siya sa akin sa huli. Kahit anong gawin ko, kailangan ko pa rin pa lang magdesisyon at masaktan siya.
"Baby..." I whispered. Sinabunot ko ang buhok ko at malakas na sinuntok ang kama ko. Binato ko pa ang aking kumot sa lapag dahil sa sobrang sakit at pagka-frustrate.
Nanghihina kong kinuha ang phone ko sa tabi at ni-click ang button para bumukas 'yon. Bumungad sa akin ang lockscreen ko. It was a picture of Joey. Nakanguso siya doon na tila nanghihingi ng halik. Picture niya 'yon noong nag-overnight siya dito. Gabi na nun at naglalaro ako sa cellphone niya habang siya naman ay lingid sa kaalaman kong nagse-selfie na pala sa phone ko.
Ewan ko ba sa kanya, gustong gusto niya dito mag picture kahit na hindi naman masyadong high quality ang camera ng phone ko. Ayaw niya sa phone niya kahit na latest model ng IPhone ito. Mas gusto niya daw sa phone ko para mapuno ang gallery ko at siya lang ang makita ko kapag tinitingnan 'yon.
Nilagay ko ang passcode ko kaya bumukas na 'yon ng tuluyan. Mapait naman akong napangiti nang sunod kong nakita ang wallpaper ko. Picture naman naming dalawa yun ni Joey. Kuha namin yon noong third monthsary namin.
Dito lang ulit kami sa apartment pero hindi na siya nag-overnight. Wala kaming regalo sa isa't isa dahil gusto kong dito na lang kami at humiga buong maghapon. Nakasubsob siya sa aking leeg sa picture at nakangisi sa camera habang ako naman ay pinipigilan ang ngiti.
I clicked my Gallery. Puro picture 'yon ni Joey at naming dalawa. May ilan akong stolen shots katulad noong nagluluto ako para sa tanghalian namin, may isang seryoso akong naglalaro sa cellphone niya at meron pa nga noong natutulog ako.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.