Slow
Wait, what? What did I just say?
Natahimik ako sa sinabi at parang ayaw mag function ng utak ko. Hindi naman totoong sinabi ko yun diba? Hindi naman diba? I just said it on my mind right? Hindi ko talaga sinabi kay Joey yun diba?
“Pardon?” napabalik ako sa kasalukuyan at naabutan si Joey na parang gulat.
“W-wala.” Ngumiwi ako at napalunok. Sinabi ko ba talaga yun?
“No, you said something. Come again?” humarap siya sa akin at nilapag ang phone niya sa desk. She raised her eyebrows on me.
“Wala nga. Wala pa kong sinasabi,” I look away and bit my lower lip. Shit, ano bang pumasok sa isip ko para sabihin yun? Ang daming tanong sa mundo, Praize, ‘yun pa talaga ang napili mo?
“You said something. What is it again?” pilit niya pa. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga narinig o gusto niya lang talagang ipaulit sa akin.
“I didn’t say anything. What are you talking about, Joey?” tumawa pa ako ng pagak at umiwas ulit ng tingin. Pakiramdam ko kasi kapag tiningnan ko siya ay malalaman niya na nagsisinungaling ako, ‘yun ay kung hindi niya pa nga talaga alam na nagsisinungaling ako.
Ilang segundo ang lumipas at wala na kong narinig na sagot mula kay Joey. Galit ba siya? Kinabahan ako sa naisip kaya sinulyapan ko siya at naabutang magkasalubong nga ang kilay habang nakatitig sa akin. Napangiwi ako. Ugh, tanga ko kasi. Ba’t ba kasi ‘yun yung tinanong ko?!
I gulped. Umayos ako ng upo at mahinang ni-tapped ang desk. Sinulyapan ko ulit siya pero ganun pa rin ang tingin niya. She raised her eyebrows for the second time and tilt her head when she caught me stealing a glance at her.
I sighed deeply at bagsak ang balikat na humarap sa kanya. I know that she heard it, gusto niya lang talagang ipaulit. I don’t know why! Ugh, dapat pala hindi na ako pumunta dito. Nahihirapan lang tuloy ako ngayon. Hindi ko naman kasi alam na ito pala ang dahilan kung bakit ako pinatawag nila Kraij.
“I said…,” I tried to stare at her too pero wala pa yatang five seconds ay bumagsak na ang tingin ko. Why does her chocolate eyes always feels like a scanner?! Feeling ko tuloy kaya niyang halungkatin lahat ng mga tinatago ko.
“Hmm?” she hummed.
“I said if you can go out with me on Saturday?” parang namaos pa ang boses ko ng itanong ulit yun. Mahina lang yun at siniguradong siya lang ang makakarinig. Naramdaman kong mas bumilis ang tibok ng puso ko na mabilis na kanina pa.
Bumuntong-hininga ako at inangat ko ang tingin sa kanya. I don’t know where I get the courage to stare back at her pero gusto ko kasing makita kung anong reaksyon niya. Kinakabahan ako dahil baka tumanggi ulit siya at i-reject ulit ako katulad nung niyaya ko siya na kumain sa cafeteria.
Hindi ko mabasa ang emosyon niya, blangko lang ito at nakatitig sa akin. Her eyes screams nothingness and because of that, I knew I wouldn’t want to hear her answer.
And it struck me. Crap… saturday. She would go out with Karl on Saturday right? Kaya siguro yun ang natanong ko sa kanya. Siguro kasi ayaw ko siyang sumama dun sa Karl na yun. Siguro kasi gusto ko ako yung kasama niya sa araw na yun.
“I’m not forcing you to say yes though. I’m just asking…,” Hilaw ang ngisi ko at pinaglaruan ang mga sariling daliri. Ngumuso ako at hindi pinapansin ang pusong parang sumisikip at ang damdaming nanghihinayang.
“Okay.” Agad akong napatingin sa kanya ng marinig yun. Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Ano raw? Okay? Anong okay?
“Anong okay?” at sinabi ko nga ang tanong sa isip ko. Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Ngumuso siya at hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pag-angat ng labi niya na kanya namang pinigil sa pamamagitan ng pagkagat ng labi.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.