Chapter 31

31.4K 1.1K 190
                                    

Can't Lose

My eyes widened in shock because of what she just did. Narinig ko ang singhapan ng lahat at ang pagkagulat nila sa ginawa ni Joey. Fuck.

Mas lalo akong nagulat nang simulan niyang igalaw ang kanyang labi. She even tried to insert her tounge on my mouth! Naramdaman kong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking batok nang hindi ako rumesponde.

Shit! Shit!

Unang beses niya akong hinalikan sa harap ng maraming tao! At dito pa talaga sa cafeteria! Sugurado akong may ibang prof ngayon na nanonood. Crap.

Baka ipatawag kami sa dean’s office!

“Come on, baby…” she whispered. Hindi pa rin ako gumalaw at parang poste lang na nakaupo.

“Kiss me back…” she pursued me more. I gasped when she bit my lip, making me open my mouth slightly. Napasinghap muli ako ng tuluyan niya ng naipasok ang kanyang matamis na dila sa aking bibig.

What a sneaky move!

Humigpit ang kapit ko sa tela ng aking uniporme. Dalang dala na ako. Pakiramdam ko any minute ay tutugon na ako sa kanyang halik.

Pero alam kong mali ito dahil maraming nakatingin. Okay lang sana kung mga estudyante lang, pero may mga staffs at prof na siguradong nakatingin sa amin ngayon! Hindi pwedeng magka-record kami. Ayoko.

Siguradong mawawala kami sa list of honors kapag nagkaroon kami nun. I won’t let that happen. Parehas kaming honors ni Joey, hindi ko hahayaang mawala yun dahil lang sa pagtugon ko.

Imbis na tumugon ng halik ay nilayo ko na ang aking mukha. Mabilis pa ang aking mga hininga kahit na sandali lang ang naging halik na yun. Pigil na pigil kasi ako sa paghinga kanina dahil sa pagkagulat.

“J-Joey!” saway ko. Nakita kong nanliit ang mga mata niya at maya-maya’y umirap. Nag crossed na lang siya at tahimik na nakaupo lang.

I gasped and slowly look at all the people who are surely staring at us right now. Lahat sila ay mga nakaawang ang bibig at halatang nabigla. I even saw our other profs gaping.

Ngumiwi ako at napayuko. Napasapo ako sa aking noo dahil nahihiya talaga ako ngayon. Si Joey kasi! Siya ang gumawa at humalik pero parang siya ang umaakto na parang wala lang nangyari. Parang ako pa ang dapat mahiya kasi ako ang hinalikan! Fuck.

“S-should we continue eating now?” pagak na tumawa si Karl at sinulyapan kamj. Agad namang napakislot ang iba at nagsitangunan at nagsing-ayunan.

“Yeah, let’s eat now.” pormal ang naging boses ni Kraij nang sabihin niya yun. Tiningnan ko siya. Mukha naman siyang hindi galit sa ginawa ng kapatid niya pero seryoso siya ngayon. Napakunot ang noo ko ng sulyapan niya si Drake bago tumingin sa ibang tao na nakatingin.

“Mukha bang may palabas?” malamig ang boses niya. Naging parang kasing lamig nang boses ni Joey ang boses ni Kraij. Ngayon ko lang siya narinig gamit ang malamig na boses, dahil laging may paglalaro ang boses niya at tila hindi nagseseryoso.

Dahil sa sinabi ni Kraij ay mabilis na umiwas ng tingin ang lahat at nagsibalik sa kani-kanilang pagkain. Kahit ang mga profs ay bumalik sa pagkain at hindi na kami muling tiningnan.

Sunod kong pinagmasdan si Drake. Halatang gulat pa rin ang kanyang hitsura hanggang ngayon. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Joey. Nakaramdam ako ng urge na ngisian siya dahil sa hindi ko alam na rason pero hindi ko ito ginawa.

Napakunot ako ng noo ng nakita kong medyo dumilim ang kanyang mukha. Gone was the angel looking Drake. Gone was his angelic smile and it turned to a grim. Naging matalim ang mga mata niyang kanina lang ay masayahin at tila nakangiti.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon