Chapter 11

40.3K 1.5K 710
                                    

Upset

“Praize, we’re going to go to Nightlight on Friday night. Want to come?” Napaangat ako ng tingin kay Kraij na nasa kabilang dulo ng table. Napatingin din ang lahat sa akin.

“Oo nga, Praize. Sama ka naman!” ngisi ni Reese.

Ngumuso ako at agad na napailing. As much as I want to, hindi pwede. May trabaho pa ko sa coffee shop kinabukasan nun. Hindi naman pwedeng may hangover ako pagpasok o kaya ay baka hindi ako makapasok dahil ma-late ako ng gising.

“Ba’t naman?” Kraij’s face instantly turn into a frown.

“I have work sa coffee shop.” simple ko lang sagot na ikinatango niya naman at sabay balik sa pagkain ng Spaghetti niya.

Sumulyap ako sa babaeng katabi ko. Tahimik lang siyang kumakain habang nakikinig sa usapan ng mga kasama namin. Kanina pa siya hindi nagsasalita pero lingid sa kaalaman ng mga kasama namin sa table ay nakasalikop na naman ang mga kamay namin sa ilalim ng lamesa.

Medyo nangangalay na ako dahil ang kaliwang kamay ko lang ang gamit sa pagkain. It would be easier if she’s holding my left hand because I’m right handed naman pero nasa kanan ko kasi siya eh.

Pero hayaan na, at least hawak ko ang kamay niya. It’s still a win for me.

“You’re gonna come with them?” I asks. Napalingon naman siya sa akin at kumunot ang noo na parang iniisip kung ano ang tinutukoy ko. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang tumango.

It’s my turn to furrow my brows. Binalik ko ang tingin sa sa pag kain. She’ll be at Nightlight? But Nightlight is much more of a wild place compared to Cell. Siguradong mas wild ang mga tao doon at mas hindi iniisip kung anong magiging lagay nila paggising, basta inom lang, ayos na.

Now I suddenly want to go.

“Kraij,” tawag ko kay Kraij na lumingon naman agad at nagtaas ng kilay.

“What?”

“Sasama na pala ako,” utas ko. Ang nakataas niyang kilay ay unti-unting bumaba at unti-unti ding lumitaw sa mukha niya ang isang tagumpay na ngisi.

“That’s great!”

Hindi ko na siya pinansin at tumingin ulit kay Joey. She’s staring at me with a confusion written on her poreless and beautiful face.

“I thought you’re not gonna come?” She whispers. I noticed a sauce on the side of her lips so I grinned and wipe it with my thumb. Carbonara, again? So she likes Carbonara, huh? Nagulat naman siya ng konti at napapitlag pa sa pagpunas ko sa gilid ng labi niya pero agad ding huminahon.

“I changed my mind.” I’m not gonna let you go there without me, Joey. Hindi na ngayon. Bahala na kung hindi ako makapasok kinabukasan sa coffee shop, at least nasamahan at nabantayan kita. O kaya ay hindi na lang ako iinom para mas lumaki ang chance na makapasok pa ako sa trabaho at mas lalo kitang mabantayan. Baka hindi pa kita mabantayan kapag lasing ako.

“But you have work, though. Don’t tell me hindi ka papasok?” she squinted her eyes and looked at me intently.

“Don’t worry, hindi naman ako iinom ng marami para makapasok ako,” I muttered and smiled at her. May sasabihin pa sana ulit siya pero sa huli ay napagdesisyunang itikom na lang ang bibig at tumango.

She pressed her hand against mine so I instantly had the urge to kiss her hand but I just ignored it and just continued eating my Spaghetti by my left hand. Ngumiwi ako. Nangangalay na talaga ako pero ayoko rin namang tanggalin ang kamay ni Joey. Baka hindi na ako hawakan ulit eh.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon