Laura pov..
"Siya si Tuto, sya yung sumunod sa akin, Anthony ang real name nya.. tapos ito naman si Kunoy ay Kenneth pala." Biglang bawi nito nang kita kong napa simangot yung pangalawa. "At ang pinaka cute na bunso namin si Butchok or Benedick.." Isa isang pinakilala ni Monica ang kanyang tatlong kapatid pati edad nang mga ito. Isang kinse anyos, dose at yung bunso naman ay siyam na taong gulang.. "Siya naman ay si ma'am Laura.." Pakilala naman nya sa akin, nginitian ko naman ang tatlong bagets.. habang nandito na kami sa labas nang kanilang bahay at mataman akong naka upo sa ibabaw nang lamesang gawa sa kawayan. Sa ilalim nang silong nang mangga. Buti naman at medyo presko dahil masarap ang simoy nang hangin. Pero nakakaramdam na ako nang sobrang panlalagkit nang aking katawan.
Pinag-isipan ko pang mabuti kung sasama ba ako dito, kaso-- wala akong choice. Ayoko namang magpa lipas nang magdamag sa lansangan.. Yung tatay kasi ni Monica ay abala sa palang sa paghahanap nang sasakyan para madala yung baterya nang aking sasakyan sa auto shop.. Eih, anong oras na wala pa yatang mahanapan, paano kasi ang lalayo nang mga kapitbahay nila dito.. kapitbahay pa bang matatawag!!
"Sige na magsi pasok na kayo sa eskuwelahan.." Utos pa nya sa tatlong kapatid. Kaagad namang tumalima yung dalawa, samantalang yung bunso ay nakatayo parin malapit sa harapan ko at matamang naka titig sa akin.
"Ma'am, makikita pa ba ulit kita mamaya pag uwi ko galing eskuwela?" Seryosong tanong nito. Ha? Hindi tuloy ako kaagad naka kibo.
"Oo nga butchok! Dito din sya magpapa lipas nang magdamag habang hindi pa naayos yung kotse ni ma'am Laura.." Paliwanag naman ni Monica sa kapatid. Kita ko kong paano nagliwanag ang mukha nang bata, tsaka patakbong umalis para habulin ang dalawa nyang kuya.. Kung may choice nga lang ako bakit ako mag tatyagang mag stay dito,kaso wala eh! Pasalamat nalang ako dahil may mga taong handang tumulong-- bigla ko namang pinilig ang aking ulo.. bakit pala ako magpapa salamat! lahat naman nang tulong na ginagawa nila para sa akin ay may kabayaran syempre... Kaya hindi ako dapat mag thank you! Pag uulit ko pa sa isip ko.
"Pasensya ka na sa kakulitan nang bunso kong kapatid ma'am, natutuwa kasi sya kapag may pumupuntang bisita dito sa bahay.." Paliwanag naman ni Monica. Habang naka tayo din ito sa harapan ko. Umalis din kasi saglit yung Mama nila para bumili daw nang soft drinks sa malapit na tindahan. Gaano naman kalapit yung store na yun! Baka sa kabilang ibayo pa. Dito na nga lang, pakiramdam ko ang layo nang nilakad namin kanina makarating lang dito sa bahay nila. Ni hindi mo akalaing may bahay pala dito dahil natatakpan nang mga puno.
Pasimple ko uli inilibot ang paningin ko sa lugar. Maraming puno ang nakikita ko iba't ibang klase, may punong mangga, bayabas, suha santol. Ah basta!.. tsaka ako napapa hugot nang malalim na pag hinga. Bakit ba ako napadpad sa ganitong lugar! Feeling ko hindi ako makaka survive kung magtatagal pa ako dito.
"Monay family size lang ang meron.." Malayo palang ay rinig ko na ang boses nang Mama ni Monica na sumisigaw. Pasimple naman akong napa tawa nang marinig ang nickname nito. At tsaka napa kunot noo, ano ba yung tinutukoy nyang family size!? Parang ngayon ko lang yata narinig yun! "Sya nga pala nadaanan ako nang tatay mo may nahiraman na silang sasakyan yung tricycle, yung sasakyan nang baboy ni kapitan. ." Humangos na wika nang Mama nito at humakbang patungo sa kinaroroonan namin. Ano daw! Tricycle? Dun isasakay yung battery nang sasakyan! Na currious naman ako bigla.. Hindi pa ako nakaka sakay sa ganun.. At isa pa ang importante maaayos nila yung kotse ko pa maka uwi na ako.

BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...