Chapter 21 (SIY)

2.6K 100 110
                                    

Laura pov..

                    Saktong hininto at tsaka ginilid ko na ang sasakyan sa tapat nang café, papalabas na din mula doon si Monica. Hindi ito nag-iisa kundi- may kasama syang isang babae na sa tantya ko kaedad din nito. 





           Mataman ko namang binaba yung bintana nang sasakyan sa tabi ko para mapansin ako kaagad ni Monica.. Napapa hugot naman ako nang malalim na paghinga nang maalalang, dahil sa café na yan maraming nangyari at nagbago sa buhay ko. Isa sa mga favorite na kinakain namin ni Jeri yan- dati. Oo dati yun at nang dahil din sa cafe na yan, nakilala ni Jeri si Hanna.







                 Ako nga ang unang naka pansin noon kay Hanna eh, unang kita ko palang sa kanya noon. Oo maganda sya, ma appeal! Pero unang pansin ko na sa kanya, uminit na kaagad yung dugo ko-- hay!! Pinilig ko nalang yung aking ulo. Ayoko nang maalala ang nakaraan, napa ngiti ako nang tumitig ako kay Monica na nakatayo kasama nung isang babae nang di kalayuan sa pwesto ko.







                 Naramdaman ko ang pag bilis nang tibok nang puso ko na isiping. Bago pa man namin nakilala si Hanna, si Monica ang unang nakilala namin dahil isa sya sa pinaka matagal nang staff nang café. Sana- sana noon pa napansin ko na sya! She's cute, charming and innocent. Pero ganun talaga, bulag pa ako sa pag ibig ko noon kaya Jeri.







            Napa kunot noo naman ako nang marinig ko pang nag tatawanan si Monica at nung kasama nya. Pauwi na nga lang nagawa pang magchikahan. Nag change schedule kasi si Monica at opening sya ngayon kaya masusundo ko- Argh! Nainip na ako kaya bumusina na ako nang malakas na halatang kinagulat nilang dalawa at halos sabay pa silang napa baling sa aking direksyon.






                  Mukhang nag paalam na yung kasama na ni Monica sa kanya at nagmamadali na itong umalis. Samantalang itong isa naman ay matamis ang pagkaka ngiting humakbang patungo sa kinaroroonan ko kaya marahan ko nang tinulak yung pintuan sa may driver side.







                  Hindi na ako kumibo hanggang sa tuluyan na syang maka pasok dito sa loob nang sasakyan.
"Sungit!" Rinig ko pang bulong nito nang madilim ang awra kong nagbaling sa kanya. Paano sarap nang tawanan nila nung kawork nya, akala mo kinikiliti na kinikilig. "Kiss mo ako." Napa nguso pa nyang naka harap sa akin na kina ngisi ko tuloy.







              Sinara ko naman muna yung bintana nang aking sasakyan bago ako dumukwang at ginawaran ko si Monica nang masuyong halik sa labi. Na kaagad naman nitong tinugon at nagtagal nang ilang segundo, pagka tapos ay umayos na ako nang upo.
"Seatbelt please.." Turan ko naman at hinintay ko munang maikabit nya nang maayos ang kanyang seatbelt bago ko pinausad muli ang sasakyan.







            Pansin ko namang panay ang pag ngiti ni Monica na para bang may naglalaro sa isip nya nang sandaling ito..  "Para kang praning dyan!" Hindi ko mapigilang punain ito dahil para na syang sira na nangingiti mag isa. Habang binabagtas namin ang daan pauwi nang kanyang apartment na sobrang lapit lang naman sa work nito. Kaya ilang minuto lang ay muli ko nang hininto ang sasakyan sabay off nang makita.







             "Wala, si Celine kasi eh! Naalala ko lang yung pinag uusapan namin kanina." Tugon nito habang nagtatanggal sya nang seatbelt nang hindi parin naalis ang pagkaka ngiti sa labi nito.






                "Sino namang pinag uusapan ninyo kanina, si Steven!" Wala sa loob kong bigkas na kinalaho nang ngiti sa labi nito. Yun! Nasapol mo Laura.. sabi ko nga.. Parang may sumundot tuloy sa puso ko nang sandaling ito nang hindi ko maipaliwanag. Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga tsaka mahigpit na napa hawak ang dalawang kamay ko sa manibela.







"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon