Chapter 23 (SIY)

2.3K 108 67
                                    

Monica pov..

              "Salamat!" Wala sa loob kong turan nang iabot ni Hanna sa harapan ko ang isang baso na may lamang juice. Dahil abala ako sa aking cellphone, kahit na tahimik at wala man lang nag me-message. Napapa hugot nalang ako nang malalim na paghinga at pasimpleng sinilid ang phone sa loob nang aking bag.







             "Pumapayat ka yata.." Puna nito bigla. Ha? Napa hinto tuloy ako nang akmang dadamputin ko na sana yung baso sa harapan ko at bigla akong napa baling kay Hanna na naka upo sa single couch sa tapat ko. "Baka naman ini-stressed ka nang Steven na yan.." Seryoso pa nyang turan na kina ngiti ko naman nang tipid.







               "Hi-hindi ah.." Depensa ko naman. Totoo naman na never akong binigyan nang stressed nung tao. Kundi ako, ako mismo ang nagbibigay stressed ngayon sa  sarili ko. Kaya nga naisipan kong tumungo dito sa bahay nila doc Jeri para man lang may makaka usap ako nang ibang tao. Buti nga at nataong walang pasok ngayon sa school si Hanna.







                Lately kasi parang..  umiiwas sa akin si Laura- ewan ko ba kahit sabihin nitong ang dami daw nyang ginagawa sa opisina nya. Hindi ko parin maiwasang hindi mag isip na parang may mabigat syang pinapasan!?Umuuwi naman sya sa apartment, pero madalas syang ginagabi at laging lasing. Napaka lasengga talaga--








              "Kilala mo si Laura diba--" Bigla tuloy akong napa ubo nang saktong magsalita si Hanna nang nasa bibig ko na yung gilid nang baso para iinum sana nang juice. Kaya lang pagka rinig ko nang pangalang iyon, nasamid ako habang si Hanna tarantang naghagilap nang pamunas.







            Inabutan nya ako nang toilet paper. "Okay ka lang?" May pag aalala sa himig nito na kina tango ko naman.. Tsaka muli itong bumalik sa kanyang kinauupuan.








           ''Sorry, may nakaalala yata sa akin." Pagdadahilan ko naman habang pinupunasan ko ang aking bibig gamit ang tissue paper. "Ahm- ituloy mo na yung- sinasabi mo kanina.." Turan ko pa. Pero bigla din akong sinalakay nang kaba nang sandaling biglang nag seryosong muli ang mukha nang kaibigan ko..








             "Yun na nga- si Laura, yung best friend dati ni Jeri, dati- kasi alam mo naman hindi na close yung dalawa." Pagsisimula ni Hanna nang paksa."Alam naman natin yung ginawa nya kay Jeri noon diba!'' Noon yun, iba na si Laura ngayon..pagtatanggol ko naman sa tao sa isip ko at lihim kong kina hugot nang malalim na pag hinga.







           "Dati nga umaaligid aligid pa yun kay Jeri eh, pasimple pa syang pumupunta punta sa clinic, tapos nun hindi n naka tiis si Jeri,  pinagsabihan daw nya isang beses. Buti naman at nakinig at magmula noon hindi na sya nagpunta pa nang clinic.."







          "Baka naman, naka isip na talaga yung tao at nagsisi na sa mga ginawa nya noon.." Pasimple ko namang pinagtatanggol si Laura. Nakilala ko naman na nang husto yung tao at kahit may pagka mataray, may kagandahang loob naman sya.
Narinig ko naman ang pag hugot ni Hanna nang malalim na paghinga.





            
             "Sana nga.." Kibit balikat nito na para bang wala sa loob nya ang kanyang sinabi.."Sana nga tama yang sinasabi mo Monica. Pero-  parang may iba kasi eh..'' Wika nito na para bang nagdadalawang isip sya kong sasabihin ba nya o hindi yung tumatakbo sa isip nya nang sandaling ito. Kunway, hindi naman ako masyadong nakikinig sa sinasabi nya pero sa totoo lang interesado talaga akong malaman.







               "Alam mo bang, kalat na sa mga kaibigan, kakilala nang pamilya nila Jeri at Laura ang pakikipag engage nya sa isang anak nang-- ewan kakilala din nila." Turan nito na kina shock ko nang sandaling ito. Kina singhap at biglang sumikip ang aking paghinga.. S-si Laura engage ka-kanino? Kay Dominique---
"Kababata nya daw yung si Dominique.. daw ha!  Pero ang nakaka intriga nyan pareho sila ni Jeri nang profession.. Dentist din yun."






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon