Chapter 6 (SIY)

2.8K 103 27
                                    

Monica pov..

                Napa kagat labi ako pagka tapos naming mag usap ni Steven sa phone through overseas.. Ang masasabi ko lang, napaka bait nito, malambing, maalalahanin at- unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya kahit  halos dalawang linggo palang kaming nakakakilanlan. Nagkita narin kami sa video chat at sa edad nitong 45 hindi mahahalata sa kanyang itsura. Mukha lang syang nasa 30 years old, ganun..







          Napa hugot din ako nang malalim na paghinga, dahil kahit na may nararamdaman na ako sa para  kanya ayoko namang puwersahin ang sarili ko, gusto ko muna syang kilalanin nang husto. Kahit na, lagi rin nitong sinasabi na unang kita palang nya sa aking larawan nahulog na daw ang loob nya sa akin. Syempre kinikilig ako pero ayoko lang ipahalata sa kanya kapag nagkaka usap kami.







              Nagpahangin lang ako nang ilang minuto dito sa may terrace nang apartment nang nagpasya na akong pumasok sa loob dahil inaantok na din ako.. humakbang na ako sa pintuan nang marinig kong may humintong sasakyan sa may gilid nang daan. Bibihira kasing may humihintong  sasakyan dito, maliban nalang kong may mga bisitang dumarating ang ibang boarders. Pero bihira talaga---






             Napa kunot noo ako nang nakilala ko kaagad ang sasakyan at kong sino ang may-ari nun.
"Laura!?" Bigkas ko pa. Ano naman kayang ginagawa nito dito, mahigit dalawang linggo na nang huli kaming magkita. Yun pang naligaw sya sa probinsya namin noon at hinatid nya ako dito sa apartment.






              Naghintay ako sandali kong aalis din ito kaya lang narinig kong pinatay niya ang makina nang kanyang sasakyan.
Ngayon ko lang din ulit sya naalala, dahil pag balik ko dito ay naging abala na din ako sa trabaho at kay Steven syempre..
Mukhang wala nga itong balak umalis kaya nagpasya akong babain nalang sya.






             Sinisilip ko sya sa loob nang kotse pagbaba ko, kaso tinted ang bintana nang sasakyan niya. Kaya marahan ko nalang itong kinatok sa bandang driver side. Ilang saglit pa ay marahan na ring bumukas ang pintuan nang sasakyan.
"Laura?" Napa singhap ako nang makita ko ang itsura nito. "My God! Laura anong nangyari sayo??''






             Pulang pula ang kaliwang pisngi nito at putok ang gilid nang kanyang labi, may natuyo pang dugo.
"Tss... Dito pala ako napunta!" Turan nya sabay tawa pa nang pagak. Teka-  amoy alak sya. Mukhang napa trouble yata sa kalasingan. Sino naman kaya ang kina-away nang babaeng ito!?







            "Halika nga.. gamutin natin yang sugat mo!" Buntong hininga ko, tsaka hinila ang kaliwang braso nito palabas nang kanyang sasakyan. Pinag gagawa nang babaeng ito! Buti naman at napa sunod ko sya kaagad, maagap ko pa syang nasalo dahil muntik na itong mabuwal. Ang bigat nya infairness. Buti nga at nakapag drive pa sya nang ligtas patungo dito.







            Pagka lock nang pintuan nang sasakyan ay maagap ko ulit itong inalalayan paakyat nang hagdanan. Medyo nahirapan pa ako dahil naka heels ito, konteng maling tapak lang pwede kaming mahulog na dalawa.
Matyaga ko syang inalalayan hanggang sa makarating kami sa loob nang aking kuwarto.
Medyo mas maaliwalas naman itong kuwarto ko dito sa apartment kesa sa kuwarto sa bahay namin, may foam ang higaan at naka aircon.







           Dahan dahan ko syang iginiya at pina-upo sa ibabaw nang aking kama. Sinandal naman nya ang likod sa may headboard nang kama, pagka tapos ay hinilot hilot ang kanyang sentido. Napa buga nalang ako nang hangin tsaka naisipan kong kumuha nang yelo sa may fridge. Para sa namumulang pisngi nito at hindi lang basta namumula nagkulay talong na, parang pasa yata. Napapa hugot nalang ako nang malalim na paghinga.







"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon