Chapter 38 (SIY)

2.4K 110 39
                                    

Laura pov..

                 Ilang minuto na kaming nagsusukatan nang tingin, habang magka harap  na naka tayo sa may  pintuan. Pagka tapos ay sabay na napa ngiti at nagtawanan na parang ewan.. "Hi!" Tsaka ako nito binati. Muli syang napa tawa kaya napa tawa nalang din ako. Na miss ko talaga sya, sobra.







              Labis na nagpapasamalat  dahil sa pag tanggap nyang muli sa akin sa buhay nya-- nila ni--





             "Oh! Alam ninyo, kayong dalawa para kayong mga sira!!" Biglang sulpot ni Hanna. "Mahal, bakit hindi mo pa papasukin itong si Laura.." Tila nanenermon pa nyang utos sa best friend ko,pero andun parin yung lambing sa himig nito.






                Kaagad namang tumalima itong isa at mabilis pa sa alas kuwatrong gumilid. Para magkaroon nang espasyo sa dadaanan ko. Halatang under na under ang Jeri Bennett. Napapa kagat labi na napapa iling nalang ako.






                 Nagbaka sakali lang ako nang lakas loob kong tawagan si Jeri kanina. Kung pu-pwede ba akong bumisita dito sa bahay nila. Sa tingin ko naman ay okay na kami, okay na yung pagkaka-ibigan naming dalawa. Mula nung binisita nila ako sa hospital. At yung tinulungan akong pumunta nang boracay. 







             Katulad ngayon, dahil kaagad naman nito akong pina unlakan.






            Ilang araw na kasi akong lugmok na lugmok.. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, sa mga nangyayari sa amin ni Monica. Nakaka baliw nang mag isa at nag iisip nang kong ano ano..







            Ito lang yung naisipan kong kahit papaano,  magpapagaan  nang pakiramdam ko. Dahil hindi lang Jeri  kundi pati na rin si Hanna ay napa tawad na  ako sa mga nagawa ko noon. At tuluyan na ding kinalimutan ang mga nangyari.







             "May dala pala akong isang box nang pizza.." Excited kong wika, sabay taas nang aking bitbit na isa sa mga paboritong pagkain ni Jeri... Bago ako tuluyang pumasok sa loob nang bahay. Nag beso ako kay Jeri, pagka tapos ay kay Hanna.







             "Naku Laura, nag abala  ka pa.." Masaya namang turan ni Hanna. Samantalang si Jeri ay hindi maialis ang pagkaka ngiti sa mga labi na syang nagsara nang pintuan. Napa ngiti din ako at pasimpleng inilibot ang paningin ko sa loob nang bahay. Marami nang nagbago sa loob nito, lalo na mga kagamitan napalitan na. Pati yung ayos ibang iba na din kesa sa dati.. Hay!! nakaka miss din talaga itong bahay ni Jeri. Namiss ko yung nakaraan except sa feelings ko kay Jeri. Dahil tuluyan na nang nabura.






                     "Ang dami ko kayang niluto para sa dinner.."  Nagsalitang muli si Hanna nang hindi ako nahintay na tumugon. Dun ako  nagbaling sa kanya, dahil naalala ko bigla, dati wala kasi itong kaalam alam sa kusina. Actually sa lahat yata nang gawaing bahay.






            "Really!? Kelan ka pa natutong magluto aber!" Kunway pang aasar ko dito. Sinabayan ko pa nang mahinang pagtawa. Na kina tawa din nang aking best friend. Binalingan tuloy sya ni Hanna nang masama na awtomatiko nitong kina hinto. At  kina tawa ko lalo sa sobrang tuwa sa dalawang ito..







               "Pagtyagaan niyo nalang yung hinanda ko ha." Ganting biro nito. Pagka tapos sinabayan pa nang kindat sa akin. Ang dami ko na talagang na miss sa dalawang ito. Akalain mong nakakapag biro na din si Hanna nang ganito. Hindi tuloy maalis alis ang pagkakangiti  sa aking mga labi.






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon