Monica pov..
"Swerte mo naman girl.. Sana may dumating ding papa Steven sa buhay ko." Kinikilig na turan ni Celine. Habang andito kami sa locker room dito sa cafe na pinagtatrabahuan namin, nag-aayos na kami dahil out na namin sa trabaho.
Si Celine kasi yung isa sa pinaka close ko dito sa trabaho at sya ang kaisa-isang taong pinag kwentuhan ko tungkol kay Steven.''Bakit kasi hindi mo pa sagutin? At least habang kayo na mas lalo pa ninyong nakikilala ang bawat isa." Wika pa nya.. Balak ko naman nang sagutin ito. Sa susunod naming pag uusap sa video call para naman mas pormal yung pag amin ko din nang nararamdaman ko para sa kanya..
Kaya napapa ngiti nalang ako nang sandaling ito! Excited na din ako na dumating yung araw na yun.Siguro nga, si Steven na yung sagot sa bawat dasal ko, na isang taong magmamahal sa akin at makaka tulong din sa pamilya kong iahon sa kahirapan.. Hindi naman masamang mangarap, dahil ang pangarap kong yun ay para naman sa pamilya ko hindi lang para sa sarili ko.
"Wala na bang ibang kamag anak si Steven mo, kahit yung mas may edad pa sa kanya. Okay lang sa akin! Basta yung madatong din." Loko loko talaga itong si Celine. Napapa ngiti nalang ako sabay iling.. Naalala ko tuloy yung sinabi nang pinsan ko. Matanda na daw si Steven ganun! Akala ko talaga noong una yung señor citizen na, hindi naman pala.
Matanda lang sya nang tatlong taon sa Tatay ko eh, pero ayos na yun."Tara na nga. Para maka uwi na tayo nang maaga!" Aya ko na dito nang kita kong tapos na din itong mag-ayos sa kanyang sarili. "Hayaan mo at itatanong ko kapag nagka usap kami.." Wika ko pa na kina kilig naman nang loka..
Nagpatiuna na akong lumabas nang locker room. Palabas nang cafe at nagpaalam sa iba naming kasamahan na pang hapon at gabi naman ang duty. Bukas kasi itong cafe hanggang nine nang gabi."Diretso ka na bang uwi nyan?" Tanong nito nang makalabas na kami nang cafe. Magka iba kasi ang way namin.
"Oo. Para makapag pahinga at hintayin ko nalang yung tawag ni Steven.." Tugon ko naman na kina ngiti nito nang nakakaloko. Tuwing eight kasi nang gabi kadalasan ang oras nang tawad ni Steven. At inaabot kami nang isang oras na mag usap nang kong ano-ano lang, kung anong maisipan na topic..
"Oh sya.. bye girl.." Kaway nito sabay kindat bago sya humakbang palayo. Natatawa nalang ako dito. Nagsimula na rin akong humakbang nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ko.. Hindi ko na sana papansinin nang may naulinigan akong tumawag sa pangalan ko.. Pero Hindi naman pamilyar sa akin.
Muli akong nagbaling sa itim na sasakyan at naka bukas na ang bintana nito sa driver side at kita ko ang babaeng nagmamaneho sa loob. Naka kunot noo nalang ako nang muli nyang tawagin ang pangalan ko.
"Miss Monica Arevalo.." Binuo pa talaga nito."Ahm- ako nga.. anong kailangan nila!" Naalangan ko namang turan. Tuluyan naman syang umibis nang sasakyan pagka tapos ay may hawak itong mga paper bags.
"Ako nga pala si Jessa, ah-- secretary ako ni ma'am Laura Crisostomo- pinapa bigay pala nya ito sayo.." Pakilala nito sabay abot sa akin ang mga bitbit nyang paper bags. Naalangan naman akong tanggapin ang mga yun! Ano naman kayang laman nang mga ito at para saan? "Actually kanina pa kita inaabangan Miss.."
"Para- para saan naman daw ang mga yan!" Turan ko. Habang hindi ko pa tinatanggap ang binibigay nito..
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomansaWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...