Monica pov..
Nanlulumo akong napa upo sa may sofa pagdating ko sa aking apartment. Hindi ko parin mapa tahan ang aking sarili at patuloy parin ako sa pag hikbi magmula pa kanina. Ang sakit lang kasi, kaso hindi ko naman malaman kong saan ba ako nasasaktan!? Sa nalaman ko ba na engage na si Laura! Yung dahil hindi man lang nya sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. O baka naman sa katotohanang si Jeri parin ang laman nang puso--
"Monica!!" Humahangos na tawag ni Laura nang biglang bumukas ang pintuan.. Napa baling naman ako sa gawi nya pagka tapos ay matalim ang tinging pinukol ko sa kanya. Bakit pa ba nya ako sinundan! Kong maari lang ayoko muna syang makita at maka-usap.
Pero parang hindi man lang sya natinag sa nakaka matay kong tingin dahil malamlam ang mga mata nitong naka titig lang sa akin. Pagka tapos, dahan dahan itong humakbang patungo sa aking kinaroroonan. Marahas ko namang pinahid ang aking mga luha gamit ang palad ko sabay iwas nang tingin.
"Monica.." Tuluyan na syang naka lapit at marahan itong lumuhod sa harapan ko nang hindi ko inasahan nang sandaling ito.. Tsaka nito ipinatong ang dalawang palad sa aking tuhod. "I'm sorry.." Sincere nyang sabi na lalo kong kina iwas ko naman nang tingin. Para saan pa, tapos na eh! Two weeks nalang ma engage na sya. Muli tuloy akong napa hikbi nang hindi ko malaman na dahilan..
Nagmumukha na nga akong tanga sa sarili ko.. " Tahan na Monica... Wala naman akong balak na ilihim sayo ang bagay na yun." Malambing na himig nito habang naka luhod parin sya sa harapan ko at marahan nyang hinahaplos haplos ang likod nang aking palad. "Tumingin ka naman sa mga mata ko!" Turan pa nito. At bigla naman akong nakaramdam nang malamig na hanging humaplos sa aking puso.
Gusto nyang tumingin ako sa kanyang mga mata. Para ano! Para paniwalaan ang mga sinasabi nya. Si Laura Crisostomo naka luhod ngayon sa harapan ko-- "Kaya lang-- ako mismo, sa sarili ko mismo hindi parin makapaniwala. Ang daming tumatakbo sa isip ko Monica!" Pagpapa tuloy nito sa kanyang sinasabi..
Hindi parin ako kumikibo, hinayaan ko lang syang magsalita sa harapan ko. Pero kahit papaano napapa tahan ko na ang sarili ko.. "Mahal kita Monica!" Turan pa nito na kina singhap ko at biglang napa diretsong nagbaling sa kanya. A-anong ibig nyang sabihin-- "Mahal kita kasi, kaibigan kita. Magka-ibigan tayo." Oo nga naman Monica, magka-ibigan nga naman kayo diba! Tuya tuloy nang aking isip. Wala namang ibang kahulugan yun!
''Kung pu-pwede ko lang iurong muna ang engagement na yun, ginawa ko na.. Pareho kaming binigla ni Dominique nang mga parents namin. Kaso-- nakapag usap naman na kami na de bale engagement palang naman.. Gusto din naman sana namin yung kami ang magpapa plano." Turan nito na kina sikip nang dibdib ko nang hindi ko maunawaan.
"Pero sagutin mo itong itatanong ko Laura.." Biglang wika ko nang bigla kong naalala, na kina hinto naman nito sa pagsasalita. At seryoso akong napa titig sa kanya mga mata "Gusto ko yung totoong sagot--" Nagbabanta ko pang wika.. "Mahal mo pa ba si Jeri?" Gusto ko lang naman malaman, dahil sabi nga nya kaibigan nya ako..
Sa sinabi ko ay bigla nalang syang napa ngisi at umalis mula sa pagkaka luhod sa harapan ko. Habang naka sunod lang ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa marahan itong umupo sa tabi ko dito sa may sofa. Narinig ko pa ang sunod sunod nitong marahas na pag hugot nang malalim na pag hinga.. "Hindi naman siguro agad agad yun mawawala Monica." Paliwanag nito na kina titig ko sa kanyang mukha na biglang nag seryoso..
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...