Chapter 28 (SIY)

2.3K 109 31
                                    

Monica pov..

             "Hindi mo ba nakikita, nag uusap pa kami.. bakit ka ba bigla nalang sumusugod at nakikialam.." Matapang namang sagot  ni Laura, matapos syang  duruin  ni Hanna. Halos mawalan pa ako nang balanse nang biglang hinila ni Hanna ang braso ko nang akmang hahablutin sana ni Laura.. "Damn it!!" Gigil pang bigkas nung isa tsaka mariing isinuklay ang mga daliri sa kanyang mahabang buhok..







                 "Damn you!!" Ganting bigkas naman nitong si Hanna. Ewan ko, kong matatawa ba ako o mai-stress sa kanilang dalawa dahil para silang mga bata na nag aagawan nang isang  laruan.. "Pwede ba Laura, tigilan mo na yang kahibangan mo at pati itong kaibigan ko idadamay mo!"






           "What? Ano bang pinagsasabi mo.." Kontra naman ni Laura. At lumalabas na naman ang katarayan nito. "Look Hanna, kung ano man ang nangyari noon. Kung may kasalanan man ako sa inyo ni Jeri pinagsisihan ko na lahat nang iyon.." Nagugulat nalang ako sa biglaang pagbabago nang tono nang pananalita ni Laura. Nang bigla itong nagbaling nang tingin sa akin, na kaagad ko namang kina iwas tingin. Ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang tumitig sa kanyang mga mata.. Tsaka  ano ba kasing nangyayari sa  babaeng ito-- Huwag nyang sabihing-- sasabihin na ba nito kay Hanna ang tungkol sa ugnayan naming dalawa!? Bigla tuloy akong sinalakay nang kaba.."Labas kana dito Hanna kung ano man ang pinag-uusapan namin ni Monica."







               "Pu-pwede ba Laura.. umalis ka na.. Hindi ko alam kong ano ba ang totoong pakay mo sa akin, kung bakit mo ako kinaka usap!" Maang- maangan kong namang sabi  at pasimple ko pa itong pinandilatan nang mga mata. Pinagdadasal kong umalis nalang sya tsaka nalang namin ito pag usapan. Na sana lang ma gets nito ang ibig kong sabihin nang sandaling ito.Ayoko kasi yung sa ganito lang na sitwasyon at malalaman ni Hanna ang lahat. Gusto ko yung mai-papaliwanag ko sa kanya nang maayos, kung anong namamamagitan sa amin ni Laura--






           "Seriously Monica?" Turan nito, tsaka biglang napa tawa nang pagak sa sinabi ko.. Laura naman, makinig ka naman sa akin, kahit sa titig ko lang malalaman mo na kung anong ibig kong sabihin sa sinabi ko.. "Magpapaliwanag palang sana ako, tapos bigla bigla ka nalang nanampal! Ni hindi mo muna ako pinatapos sa gusto kong sabihin sayo.."Tukoy nito sa sinasabi nya kanina, bago biglang sumulpot si Hanna. Bigla tuloy nag init ang ulo nang maalala ang tungkol doon, biglang bumalik yung sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang.







            Tungkol  sa, pag baback out ni Dominique about sa engagement nila!? Bakit kasi sya magbaback-out, may alam na din kaya sya tungkol sa nangyari-- Tapos ang gusto naman nitong si Laura-- tutulungan ko pa sya para ano-para makipag ayos muli si Dominique sa kanya! Ayoko na!!Sobra na akong naguguluhan at nasasaktan sa sitwasyon ko ngayon. Tama na!! Sa pagkakataong ito ayoko na talaga syang tulungan..







             "Halika na nga Hanna..  huwag na nating kinaka usap ang taong yan!" Matapang kong turan,pasimple ko pang inirapan si Laura dahil sa gigil at inis kong nararamdaman ngayon sa kanya. Ako naman ngayon ang biglang humila sa braso ni Hanna at akmang tatalikod--

  





              "Andito na din lang! Bakit hindi pa natin sabihin sa kanila ang totoo.." Biglang wika ni Laura. Na kina hinto ko sa paghakbang at kina pikit nang mariin nang aking mga mata. Napa hugot pa ako nang malalim na paghinga. "Na wala silang kinalaman sa naabutan ni Hanna na pag uusap natin kanina! Kundi tungkol ito sa--"







          "Laura pwede bang tama na!!" Baling kong muli sa kanya, at putol sa sinasabi nito.nakaramdam na naman ako nang matinding kaba nang sandaling ito . Alam kong nalilito  at nagtataka na din si Hanna kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Laura. lalo na nang seryosong naka titig si Laura sa aking mga mata.  kina kabog tuloy nang husto nang dibdib ko.






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon