Chapter 36 (SIY)

2.3K 114 35
                                    

Laura pov..

"Laura, hindi mo na ako kailangang ihatid.."






"Why not!"







Nasa boracay palang kami, pinagtatalunan na naming dalawa ang tungkol dito. Gusto ko nga syang ihatid, pero iisa at paulit ulit lang ang kanyang tugon. Hindi na, huwag na, hindi na daw kailangan--





Napa buga akong muli nang hangin. Nasa NAIA terminal na kami at hanggang ngayon nakikipag matigasan parin sya sa akin. Masayang masaya na nga ako dahil naka sama ko sya, nasolo ko sya at kahit na ayaw pa nyang aminin ramdam ko namang may nararamdaman din sya para sa akin.





Nag isang araw pa kami sa resort. Bago kami nagpasyang umuwi, kaya lang kapansin pansin na ang pagiging tahimik nito. Tila malalim ang iniisip, pero hindi ko nalang sya inusisa. Ang mahalaga sa akin nakasama ko sya..





Ginagap ko ang isang kamay nito.. Na kaagad naman nyang kina baling sa akin nang mukha. "Monica, ihatid nga kita hanggang sa apartment--"





"Huwag na nga- hindi nga pu-pwede!" Kontra na naman nito na kaagad na kina awang nang labi ko. Sa totoo lang, malapit na akong--- Argh!! Sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ko na hindi naman ako ganito dati- Oo dati maiksi lang talaga ang pasensya ko. Tapos ngayon- nagagawa nya akong pagtaasan nang boses. Pabalya pa nyang binawi ang kanyang kamay na hawak ko.





Kaya ba ayaw nyang magpa hatid, dahil nasa apartment si Steven at naghihintay na sa kanya? Damn it!! Ginagawa ko nang tanga ang sarili ko- pero heto parin ako, na kahit may ganun na akong hinala. Ayaw paring paawat ang aking sarili.





"Hindi ka pa ba napapagod!" Muli itong nagsalita. Napapagod- saan naman? "Laura, kailangan mo ding magpahinga. Huwag mo na akong alalahanin kaya ko na ang--"





"Damn it Monica!!" Hindi ko na napigilang bigkas nang sandaling iyon. Tuluyan na akong inatake nang selos. Kami nga ang magka sama, pero pakiramdam ko ngayon- iba ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ako ang nasa puso- "Nababahala ka ba dahil kay Steven!?"







"Laura!" May himig nang pag kontra nyang bigkas sa sinabi ko. Bakit hindi ba iyon naman ang totoo? Kahit magtalo na kami, wala na akong paki alam. Mailabas ko lang yung bigat na aking nararamdaman.





"Yun naman talaga diba! Atat kang umuwi, ayaw mong magpa hatid dahil naka abang na sayo si Steven." Napo-frustrate ko nang turan. "And, I don't care Monica! Mahal kita at handa akong ipaglaban itong nararamdaman ko para sayo!" Sabay turo ko sa dibdib ko.






God! Kitang kita ko kong paano mangilid ang luha nya nang sandaling ito.. Ang tapang tapang ko na nga e, harap harapan ko na ngayon nasasabi yung nilalaman nang puso ko sa kanya..






Mabilis din lang syang nag iwas nang tingin. "Ang sakit mong magsalita!" Tsaka ito nag wika. Alin ang masakit dun- yung sinabi kong atat syang umuwi. E, yung huli kong sinabi- hindi man lang pinagtuunan nang pansin!?





Sobra sobra naman nang pagpapahirap nito sa akin-- "Ayokong magpahatid dahil ikaw din naman ang inaalala ko!" Turan nitong muli. Ako! Ako na naman, dahil sa pag seselos ko-- "Didiretso kasi ako sa amin- sa probinsya!" Hugot nito nang malalim na paghinga.






Uuwi sya nang- "May sakit si bunso at kailangan kong dalawin, kahit pa itinawag na ni nanay na maayos na ang kalagayan nya-- gusto ko paring maka siguro." What? Bakit kasi hindi nya iyon sinabi kaagad- para hindi kong ano anong pumapasok sa isip ko!





"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon