Chapter 29 (SIY)

2.6K 128 47
                                        

Laura pov..

                    "Pinahiya mo ako Laura, pinahiya mo ako sa mga magulang ni Dominique.. lalong lalo na sa kumare ko!" Nag he- hysterical na turan ni Mommy matapos kung ipaalam sa kanya na umurong na nga ang aking fiance na aming engagement.. Todo awat naman ni Dad sa kanya. Muntik pa nga akong pagbuhatan nang kamay buti maagap si dad na nahila para maka distansya sa akin..







              "Mom, siya mismo ang umurong..." Ewan ko kong ilang beses ko nang sinabi iyon sa kanya.. Ngayon ko lang syang nakitang nagalit nang ganito sa akin. Hindi ko maintindihan kong bakit? Samantalang, yung ginawa ko noon kay Xander at Jeri ay nanatili syang nagbingibingihan..  Si Dad ay kalmado lang nang sandaling ito..







           "Tapos-- ano sinang ayunan mo naman! Laura, ikaw na nga itong tinutulungan.. Hanggang ngayon ba! Nagpapaloko ka parin nang damdamin mo kay Boromeo?" Mataas parin ang timbre nang boses nyang turan. Napapa iling tuloy ako, hindi- hindi si Jeri ang dahilan. Gosh! "Ngayon hindi ka maka sagot! Pumunta ka ngayon din kila Dominique, suyuin mo sya, suyuin mo ang magulang nya--"





            "Tama na, huwag mo nang pilitin ang anak natin.." Sa  pagkakataong ito, ngayon ko lang narinig na nagsalita si Dad.. "Wala na tayong magagawa, kundi magpa public apology sa pamilya nila.." Dagdag pa nitong turan. Tinignan naman ako ni Mommy nang masama na mabilis kong kina iwas nang tingin..





          Salamat kay Dad at sa akin parin sya kumakampi.. "Mom, kung iniisip po ninyo na may nararamdaman pa ako para kay Jeri.. Wala na po." Hugot ko nang malalim na paghinga.. "Hindi, lang po talaga magandang idea na--" Hindi ko din kayang ituloy yung gusto ko sanang sabihin, alam kong naintindihan na ni Mommy iyon..







           "Masama ang loob ko sayo!" Hugot nito nang malalim na paghinga, masakit man pero wala naman akong magagawa. Mas lalo namang ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong-- hindi ko din naman mahal. "Huwag ka munang magpapakita sa amin hanggat walang magandang balita galing sayo.." Turan pa nito, pagka tapos ay basta nalang kaming tinalikuran ni Dad.






              "Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo Laura.." May pakikisimpatyang wika ni Dad sa akin. Nang marahan syang humakbang palapit sa kinatatayuan ko, bahagya nito akong niyakap. Ni hindi ko magawang gumanti dahil walang ibang nasa isip kundi ang mga sinabi ni Mommy..





             Hanggang sa pag uwi ko nang bahay ko, hindi maaalis alis sa isip ko ang mga bintawang salita  ni Mom! Ang hindi ko parin maintindihan yung sinabi nyang magandang balita..  Napapa hugot nalang ako nang malalim na paghinga bago ako humiga sa aking kama..






               Hanggang sa bigla nalang sumagi sa isipan ko si Monica. Ilang araw na ang naka lipas nang huli ko syang makita, huli kong maka usap at tyak kong nasabi na nito kila Hanna ang lahat. Gustong gusto ko syang kausapin kaya lang-- sariwa pa yung mga nangyari.  Kailangan ko muna syang bigyan nang space?? Patanong kong turan sa aking sarili..





             Gusto kong sabihin sa magulang ko na si Monica ang dahilan nang pagbabago nang isip at puso-- ko. Kaya lang, masyado pang komplikado ang lahat.. Gosh! Kung nagkataon lalabas na naman akong mang-aagaw sa pagitan ni Steven at Monica. Bakit kasi- sa kanya ko pa maramdaman ang ganito, sa kanya pa ako muling umibig..






           Ni wala sa hinagap ko na mangyayari ang lahat nang ito.. Hindi sya ang ideal woman-- argh!! Basta, wala sa kanya ang isang katangian nang babaeng hinahanap ko.. napa buga ako nang hangin! Pero bakit ganito, mahal ko na sya.. Mahal na mahal kita Monica. Kaya lang, hindi na ako katulad noon na makasarili na ayaw na ayaw kong nalalamangan..






"So, It's You!" (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon