Chapter 12 (SIY)

2.5K 102 42
                                    

Laura pov..


                 Napa bitaw ako bigla kay Monica nang mag vibrate ang phone ko sa bulsa nang suot kong pants. What the--  sino ba itong tumawag dis oras na--






               Kaagad kong dinukot ang phone mula sa bulsa ko at napa kunot noo ako nang makita sa screen nang phone na Mommy ko pala ang tumatawag.
"Mom!" Turan ko kaagad nang sagutin ko ang tawag. Nang hinagilap nang paningin ko si Monica ay wala na sya, saan na nag punta yun?







               "Ikaw anak hindi mo man lang binabalita sa amin na kayo na pala ni Dominique.. kung hindi pa sya ang unang nagbalita sa akin." What? Ano bang---
"Masayang masaya ako anak, sabi ko naman kasi bagay na bagay kayong dalawa." Tuwang tuwa pang wika nito. Hindi tuloy ako maka singit magsalita sa Mommy ko.







            Nag dinner lang kaming dalawa ni Dominique dahil nga nag promise ako sa kanya. At importante sa akin kapag nangako ako sa isang bagay ay tinutupad ko iyon. Kaya lang yung maging kami- paano nya yun nasabi? 
Muli namang sumulpot si Monica kung saan at may hawak hawak itong isang over size shirt at habang kausap ko si Mommy ay tinulungan ako nitong isuot sa akin. Dahil natapunan at nabasa yung blouse ko nang beer kani-kanina lang.






             "Mom, pwede bang bukas nalang po tayo mag usap. Ahm- natutulog na po kasi ako. " Dahilan ko at kunway napa hikab pa ako para lang maka iwas sa usapan.







            "Oh sya, okay anak, dadalaw ako bukas sa firm mo ha at doon tayo magkwentuhan.." Hay buti naman at hindi na ito nangulit pa pagka tapos ay nag goodnight na sya. Pero sigurado akong bukas, kukulitin ako nun sa opisina. Hay naku! Kailangan ko ding kausapin si Dominique bakit nya sinabi ang bagay na yun sa Mommy ko.







         "Okay Mom goodnight love you.."Magiliw ko namang tugon bago ko tinapos ang tawag. Tsaka napa hugot nang malalim na paghinga at napapa hilot nalang nang aking sentido. Problema ko pa yata talaga si Dominique ngayon.






               "Ahm- Laura iinum ka pa ba o liligpitin ko na?" Napa baling naman ako kay Monica nang bigla itong nagsalita. Yung kiss? Ah, wala lang yun gusto ko lang ulit matikman yung labi nya. Ang lambot kasi at ang sarap halikan.







              "Hindi na.. medyo nahilo na ako." Palusot ko pero sa totoo nyan hindi pa ako tinatamaan. Para isipin lang nyang dahil sa alak kaya ko sya nahalikan! Kalokohan Laura.. saway naman nang isip ko. Magsisimula na sana itong mag ligpit nang mesa-
"Ayoko itong itsura ko!" Kunway napa buga ako nang hangin. Kaya muli itong napa baling sa akin.







             "Ahm- teka-- maghahanap ako nang iba--" Natataranta nitong wika.  Pero hinawakan ko ang isang braso nito.





            "I mean, okay lang itong shirt.. Ang sagwa lang syang tignan sa pants!" Natatawa kong paliwanag sa kanya. Hanggang sa naalala ko yung paper bag na pina tago ko noon. Pantulog kasi yung laman nun at seat nang underwears.








              "Wait hahanap ako nang pamalit mo dyan sa--"







              "Yung pina tago ko nalang sayo." Medyo naguluhan pa sya sa sinabi ko. Pero kaagad din nyang naalala kong anong tinutukoy ko. Nagmamadali na syang bumalik nang kuwarto, ako naman ay nagtungo na nang bathroom sa may kitchen yata banda. Hindi na ako nagtanong, siguro naman makikita ko yun.



____




            Nagising ako kinabukasan na wala na si Monica sa tabi ko. Tabi kasi kaming natulog sa kama nito pero syempre behave naman ako. Unang una, kaibigan ko sya. Pangalawa, may boyfriend na yung tao kahit na para sa akin hindi pa yun matatawag na boyfriend kasi hindi pa naman sila nagkikita nang personal. Pero mukhang seryoso naman yung guy dahil binigyan sya nang condo.






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon