Special Chapter

4.3K 144 32
                                    

Monica pov..

              "Happy birthday to you.. happy birthday to you.  Happy birthday happy birthday..... Happy birthday Laura.." 🎶🎶
Tuwang tuwa naman ang bata.. Ang cute lang nitong pagmasdan sa suot nitong ternong pajama.. Habang kinukusot kusot  ang kanyang mga mata na halatang nabulabog sa mahimbing nitong pag tulog..






                 Kahit na sya ang pinaka masungit, pinaka mataray  at pinaka moody na taong nakilala ko. Sa pagkakataong ito, ang aking Laura ay nababakas sa mukha  ang labis na kasiyahan  sa hinanda naming surprise salubong sa kanyang kaarawan. With matching cake, balloons at confetti..





                   

                 Kasabwat sa preparation  syempre si ate Digna at mica. Kasama ko ang parents nang pinakamamahal ko na tanggap na tanggap akong maging bahagi nang pamilya nila. Si Hanna at doc Jeri ay andito din with Janus..






                 "Happy birthday best..." Magiliw na pagbati sa kanya ni doc Jeri. Sabay abot sa favorite nitong bouquet of flowers.. Masayang masaya ako dahil  sa pagdaan nang mga araw ay  unti unting nanunumbalik ang maayos na pagsasamahan nang matalik na magka-ibigan.






             "Thank you best.." Napa labi namang tugon ni Laura sabay abot sa bungkos nang bulaklak. At saglit na magyakapan ang dalawa.






                  "You're welcome.. Paano ba yan, 31 kana.. Pero infairness ha! Natagpuan mo na sa wakas ang kabiyak nang iyong tadyang.." Napa kindat na baling ni doc Jeri sa akin. Na kina kagat ko naman nang pang ibaba kong labi para pigilan ang kilig kong nararamdaman.. Syempre ang aking Laura naman ay nagniningning ang mga mata nang sandaling tumitig sya sa akin.






                  
                 Habang abala ang iba sa pag-abot nang kanya kanyang regalo sa pinakamamahal ko at hindi maialis ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bigla nalang akong pasimpleng hinatak ni Hanna na kina baling ko sa kanya.







               "Makakaya mo ba syang saktan sa ganyang sitwasyon ngayon!" Wika nito na kina ramdam ko nang panlalamig nang buo kong katawan. Isang libo beses ko itong pinag-isipan at-- buo na ang aking desisyon. Mahal na mahal ko si Laura sobra... kaya lang-- hindi naman pwedeng puro pagmamahal na lang! Mahigpit kong hinawakan ang kanina ko pang hawak na envelope..







                   Nangilid bigla ang aking luha habang naka titig sa babaeng pinakamamahal ko.. "Kailangan ko munang lumayo--" Dun na tuluyang bumagsak ang aking luha, pero maagap ko itong pinahid gamit ang  libre kong kamay, bago pa mapabaling sa gawi namin si Laura. Tinitignan ko palang sya na masayang masaya nasasaktan na ako.. 






                    
                 Sa makalawa na ang alis ko patungong US.. Tinuloy ko parin yung offer sa akin ni Steven kahit na tyak kong magagalit si Laura sa ginawa ko.. Pero nag usap naman kami nang masinsinan  ni Steven na hanggang magka-ibigan nalang talaga kami.  Sa parents ko naman nagdalawang isip din sa naging pasya ko, pero ipinaliwanag ko naman sa kanila nang mabuti.







               Gagawin ko ito kahit masakit din para sa akin.. Ayoko lang iasa ang lahat kay Laura gaya nang lagi nyang sinasabi sa akin.. Pwede daw nya akong ipasok sa firm nya tapos yung sasahurin ko ay pang aaral ko nang kolehiyo.. May pride din naman ako--





                "Monica..." Hugot ni Hanna nang malalim na pag hinga. Bukod sa magulang ko- kailan ko lang nasabi sa kanya lahat nang balak ko. "Ako nga nasasaktan na sa gagawin mo,how much more sa kanya.." Tukoy nito kay Laura.. "Mahal na mahal ka nung tao--"






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon