Chapter 3 (SIY)

3.3K 126 13
                                    

Monica pov..

             "Pag isipan mo itong mabuti insan, pagkakataon mo na para maka tulong kapa lalo sa magulang mo at sa mga kapatid mo.." Naalala ko na namang turan nang pinsan kong si Claudette. Matapos nyang iabot sa akin ang isang kaperasong papel kung saan  may naka sulat doon, contact number at fb account para makontak ko daw yung sinasabi nyang  Pinoy na single Dad na naghahanap nang mapapangasawa na sa U.S naninirahan.







                May isang anak na lalaki  kasi daw yun, kaya lang hindi basta byuda kundi may edad na din daw sya.. Tinanong ko pa nga sa pinsan ko kong bakit ako pa? Pwede naman na sya- kaso ako daw yung natipuhan pagka kita palang nya nang picture ko. Bakit kasi sinali pa nila ako sa kalokohan nila!
Napa hugot tuloy ako nang malalim na pag hinga habang mataman akong naka titig sa hawak kong kaperasong papel habang nandito ako sa loob nang kuwarto ko at naka upo sa gilid nang papag. Gusto kong pag isipan talaga muna ito nang mabuti, twenty-two naman na ako at- napa hugot ako nang malalim na pag hinga. Ready na ba ako para mag asawa!?







            Narinig ko na ang pag ingit nang pintuan, kaya dali dali ko nang sinilid sa aking bag ang naturang papel. Tsaka ako nagbaling  sa may pinto pagka tapos, pinasadahan ko nang tingin si ma'am Laura, bagong ligo ito habang pinapatuyo nang towel ang basa nitong buhok.. Pinahiraman ko muna sya nang pwede nyang maisuot na pantulog. May mga underwears naman akong hindi ko pa  nagagamit at may malalaking T-shirt naman ako na hindi masyadong nagagamit at jogging pants dahil bihira naman ako dumalaw dito sa amin. Tatlong beses lang sa isang taon, tapos dalawang araw lang ang nilalagi ko dito dahil sa aking trabaho..Kaso ayaw naman nya mag jogging pants mainit daw, kaya ang ginamit nito ay yung itim kong cycling.







            Tinudo ayos ko na nga itong kuwarto ko kasi nakakahiya naman. Kaso pagpasensyahan na nalang nya dahil matigas yung higaan. Hawak hawak na nito ang tuwalya nang maagap akong tumayo at kinuha yun sa kanya..
"Teka--- saan ka pupunta!" Pigil nito sa braso ko nang akmang lalabas na sana ako nang kuwarto.







            "Isasampay ko lang itong tuwalya ma'am.." Tugon ko naman. Parang takot na takot lagi, safe naman dito sa lugar namin.
Nagmamadali na akong lumabas nang kuwarto nang maiyos ko nang sampay yung towel bumalik din ako kaagad.. Sakto namang nagpapahid sya nang lotion sa kanyang binti nang pumasok ako..







          "Naki gamit na din ako.." Wika pa nito. Hindi man mamahalin yung mga gamit ko sa katawan, bahala sya kong mag inarte pa sya.. "Ahm- hindi pa ba dumarating yung tatay mo?" Tanong nito bigla. Ewan ko kong sa tatay ko ba sya concern o sa battery lang nang kotse nya. Alas diyes na kasi nang gabi pero wala pa si tatay, tapos na din kaming kumain nang hapunan. Kinatay ni nanay yung isang alaga naming native na manok at nagustuhan naman nya yung pagka luto.. Ang dami nga nyang nakain kanina. Kahit pa naalangan sya nung una, hindi ko naman sya masisi dahil laki ito sa marangyang buhay.. 







             "Parating na siguro yun ma'am.." Tugon ko naman.. tapos na syang maglagay nang lotion. Siguro hayaan ko na syang mag pahinga. Hintayin ko nalang si tatay at doon nalang ako sa may sofa naming kawayan matutulog sa salas namin.







           "Pwede bang Laura nalang.. hindi mo naman ako boss para tawagin nyan.." Mataray nyang wika. Pero nasasanay na ako sa katarayan nya, mukhang yun na kasi yung natural nyang pananalita. Napa tango nalang ako sabay dampot ko sa sa unan at kumot na pinatong ko sa may lamiseta. "Te-teka saan kana naman pupunta?" Napa kunot noo naman akong nagbaling sa kanya.







          "Ahm- para makapag pahinga na kayo ma'am- I mean la-laura.." Nahihiya pa akong banggitin ang pangalan nya.  "Sa labas na ako.."







"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon