Laura pov..
"FUCK!!" Malutong kong mura. Sinubukan ko uli start ang aking sasakyan kaya lang-- ''SHIT!!" Ayaw talaga! Kong kailan nasa gitna ako nang hindi pamilyar na daan, tapos wala man lang katao tao at tirik na tirik pa ang sikat nang araw dahil tanghaling tapat.. Kung bakit ba kasi ako napadpad sa lugar na ito!nang hindi ko namalayan. My God! Mahigpit tuloy na napa hawak ang dalawang kamay ko sa manibela.
Gusto ko lang namang maglibang, gusto ko lang aliwin ang aking sarili. Gusto ko lang naman maalis itong sakit na aking nararamdaman. Dahil hanggang ngayon, hirap ko paring tanggapin na yung nag iisang babaeng minahal ko nang todo ay pag aari na nang iba.
Malaki paring katanungan sa isip ko-- bakit hindi nalang kasi ako?? Gagawin ko naman ang lahat mapa saya ko lang sya. Magmamahal din lang naman pala sya sa babae.. sana ako nalang!Pumatak ang luha sa aking mga mata, pero mabilis ko ding pinahid.. Pagod na akong umiyak, pagod na pagod na akong makaramdam nang ganito..
Pwede ba huwag na muna yan ang problemahin mo! Saway ko naman sa sarili ko, ang dapat kong isipin ay kong paano ba ako makaka alis sa lugar na ito.. May sasakyan nga ako pero wala naman akong kaalam alam kong paano magkumpuni pag nagka aberya.. Ngayon lang naman kasi ako nag drive nang ganito kalayo nang hindi ko namalayan..
Hinagilap ko ang phone ko sa loob nang aking bag na naka lagay lang sa tabi ko. Naalala kong tawagan yung family driver namin para sana gagawa kong ano bang sira nang aking sasakyan. Kaya lang--
Napapa mura na lang ako nang makitang walang signal.. Ano bang klaseng lugar ito! Puro kabundukan, walang signal--
bigla tuloy akong kinabahan nang na isiping papaano kong ma-stock ako sa lugar na ito-- oh no.
Damn!!Wala man lang dumadaang sasakyan!?
Napa ibis naman ako sa sasakyan nang biglang may maisip, susubukan kong e-check kong anong sira. Gosh! sa edad kong ito hindi ko man lang alam kong anong kakalikutin ko sa sasakyan ko. Mag drive at magpa gas lang ang alam ko.. Pero sigurado naman akong full tank ang laman, imposible namang ubos na kaagad..Para akong tangang inikot ikot nang ilang beses ang sasakyan sa kainitan nang araw.. Hindi naman flat yung gulong! Kainis talaga. Nakaka frustrate! Sa inis ko sinipa ko tuloy yung isang gulong sa harapan na kina daing ko din naman. Ang sakit! ang tigas pala..
Bigla pa akong napa ayos nang tayo nang may naririnig akong mga boses nang mga kalalakihan palapit nang palapit sa kinaroroonan ko. Sana lang matulungan nila ako at magbabayad ako kahit na magkano..Palapit nang palapit nang husto ang mga boses, hanggang sa matanaw ko na sila-- Kaya lang dismayado ako nang makita ko ang tatlong kalalakihan na naka suot nang school uniform at mukhang mga totoy pa, naglalakad ang mga ito sa katirikan nang araw!? Pero infairness, hindi man lang nila iniinda mukhang mga sanay na.
Gosh!! Matutulungan ba ako nang mga ito mga mukhang totoy pa!?"Wow ang gara naman nang kotse.." Rinig kong wika nang isa.. at kaagad na lumapit sa kinaroroonan ko. "Ang ganda mo naman ate, artista ka ba!" Tsss-- mga ignorante! Bakit mga pangit ba lahat nang mga kababaihang naka tira sa lugar na ito! Mukhang ngayon lang sila nang naka kita nang isang magandang katulad ko.. At ang isang malaking katanungan sa isip ko ay kong papaano sila nakaka survive sa ganitong lugar! Ni wala man lang signal..
"May hinahanap po ba kayo Miss?" Tanong nang pinaka matangkad sa kanila. Wala sana akong balak pag- aksayahan nang oras ang mga ito para kausapin,pero nagbaka sakali nalang din ako..
![](https://img.wattpad.com/cover/196145269-288-k795523.jpg)
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...