Monica pov..
"Kayong tatlo! Ilabas niyo na yan, huwag niyo nang tinatago tago pa sa akin..'' Maaga kong sermon sa tatlo kong kapatid..Paano ba naman kasi, binigyan sila ni Laura nang pera at kong hindi ko pa narinig ang bulong bulungan nilang tatlo hindi ko pa malalaman.
"Heay, hayaan mo na.. Binigay ko talaga yun dahil sinabi ko kahapon na magbibigay ako nang pera kapag matulungan nila akong maka hanap nang mag aayos nang sasakyan ko." Paliwanag naman ni Laura.. dahan dahan namang nilabas nang tatlo kong kapatid ang tig isang libo na hawak nila sabay abot kay Laura.. pero napa iling naman itong isa.
"Sige na kids, ibili niyo yan nang kahit anong gusto ninyo kasi mababait kayong bata at matulungin pa sa kapwa." Pagpupumulit parin nitong isa kaya napa buga nalang ako nang hangin..Ang sa akin lang kasi, ayokong masanay ang mga kapatid ko nang kanyang luho. At tsaka napaka laking halaga na kasi ang binigay nyang bayad kay Tatay, sobra sobra sinasaoli nga yung iba kaso ayaw din niya..
"Ipahawak niyo muna kay nanay yang mga pera ninyo at sa linggo punta kayo nang bayan.." Buntong hininga ko nalang na turan at kita ko ang galak sa mga mukha nang tatlo kong kapatid..Bibihira nga din maka punta nang bayan ang mga yan, dahil sa malayo at sayang pa pamasahe. Kaya naman, kong mamalengke minsan lang sa isang linggo at mga importante lang kailangan sa bahay ang dapat bibilhin..
Nagmamadali nang lumapit ang tatlo sa nanay ko para ipatago ang pera nila. Nagbaling naman ako kay Laura kita kong naka ngiti ito habang pinagmamasdan ang tatlo kong kapatid.Kaya nang nag baling sya sa akin, nahuli tuloy akong sa kanya naka tingin..
"Let's go Monica.. para maaga tayong maka rating nang San Jose." Aya na nito sa akin. Isasabay na kasi nya akong paluwas,tatanggi pa ba ako, ang hirap kaya mag commute mula dito sa bahay namin."Kids let's go, isasabay na namin kayo papunta sa school." Napa awang tuloy ang labi kong napa baling muli nang tingin kay Laura. Tuwang tuwa naman yung mga bata.
Naka sunod naman ang paningin ko kay Laura nang humakbang ito palapit sa aking nanay, hindi ko man rinig ang napag usapan nila. Napapa ngiti nalang ako nang bigla nitong yakapin ang nanay ko. Pagka tapos ay muli itong nagpa salamat kay Tatay tsaka niyakap din bahagya."Nay, Tay alis na po kami." Ako naman ang sumunod na nagpaalam sa aking magulang.. mga apat na buwan na naman uli bago ako makaka uwi dito. Iipunin ko muna yung sahod ko para minsanan ko na namang ibigay..
Yung mga kapatid ko nagsi-takbuhan na at excited nang sumakay sa mahahaling sasakyan. Napapa iling nalang ako at nangingiting.Balang araw magkakaroon din tayo nyan mga kapatid ko.. Pangako ko yan sa sarili ko! Pag balik ko nang San Jose may internet doon at kokontakin ko yung sinasabi nang pinsan ko. Wala naman sigurong masama kong kikilanin ko sya nang husto--
"Papalitan ko nalang itong mga damit na pina hiram mo sa akin.." Wika ni Laura. Habang nasa daan na kami pauwi nang San Jose. Mga limang oras din ang magiging beyahe namin bago kami makarating at kong sasakay nang nang pampublikong sasakyan mga pitong oras ang aabutin..
Hindi nalang ako tumugon, ayos lang naman sa akin kong papalitan or isosoli nalang nya.
"Monica, paano kayo nagka kilala ni Hanna?" Bigla naman akong napa baling sa kanya sa tinatanong nito."Ahm- sa San Pablo university. Dun kasi ako unang nagtrabaho sa may cafeteria sa loob.." Tugon ko naman, hindi naman kami naging nagkakilala dahil dun. Nakikita ko lang noon si Hanna. Friendly naman ito dati pa, hanggang sa isang araw hindi ko na sya nakikita.
Akala ko may sasabihin pa ito pero hindi naman na sya muling kumibo kaya natahimik nalang din ako.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
Любовные романыWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...