Chapter 14 (SIY)

2.4K 104 57
                                    

Monica pov..

                  "Busy sa phone.." Puna ni Hanna sabay abot sa akin nang isang glass nang wine. "Chene-check ka na ba nang boyfriend mo!'' Narinig ko pa syang napa tawa, kaya sinilid ko muna ang cellphone ko sa bag at  mamaya ko na replyan si Laura..





                Naikwento ko na kasi sa kanya ang tungkol kay Steven at suportado naman ako nang kaibigan kong ito.  Mainam na din daw yun na habang malayo pa kami sa isa't isa nagkaka kilanlan na at ramdam naman daw nitong totoo sa akin ang boyfriend ko dahil nag effort pa itong palipatin ako sa isang condo.




            Kaya lang hindi naman si Steven ang ka text ko kanina kundi ang makulit na si Laura. Na halos gabi gabi nang natutulog sa unit ko. Sabi ko kasing mauna na syang umuwi sa unit kasi baka gabihin na ako dito sa San Pablo at may maghahatid naman sa akin pauwi. Isa pa binigyan ko naman sya nang duplicate nang susi sa pintuan.





            Kaso ang kulit, paulit ulit kong anong oras daw ba, exact na oras daw. Eih, hindi ko pa nga alam. Masaya pa kaming nagbobonding ni Hanna. Tunog nang tunog parin yung phone ko sa loob nang bag, pero hindi ko muna pinansin.
"Ilang months ko na ba hindi ko nakita si Janus, grabe ang laki laki na nya.." Pag iiba ko sa usapan. Sabay simsim ko nang wine.






                "Oo noh! Ang laki laki  na nang anak ko.." Napa titig naman ako sa kanyang mukha. Halatang masayang masaya sya sa buhay niya ngayon, masayang masaya sa piling ni Jeri. Masayang masaya din ako para sa kanya.
Busy din si Jeri sa pagharap nang iba nilang bisita, parang nakita ko pa kanina yung parents ni Laura. Invited pala sila, kaya lang sa kasamaang palad- mukhang hindi inimbita itong isa.




            Buti nga at maluwang itong venue nang party at iba yung grupo nang parents ni Jeri at mga kaibigan at kakilala kaya hindi ako napansin nang Mommy ni Laura..
Gabi na din at tulog na yung may birthday, napagod na.
"Monica, mukhang inaantok kana yata.. Papahatid na ba kita!" Turan nito.




                Sakto namang tumunog yung phone ko mukhang may tumatawag. Nagpaalam muna ako saglit kay Hanna sa pag aakalang si Steven ang tumatawag. Nagpaalam din naman ako sa kanya na pupunta ako dito, baka mangangamusta lang. Lumayo muna ako konte kay Hanna yung walang masyadong ingay na naririnig bago ko kinuha ang cellphone sa loob nang aking bag.




            Kaya lang napa tirik ang mga mata ko nang makita kong si Laura ang tumatawag. Ka kulit talaga nang babaeng ito.
"Hello, sabi ko naman kasi mauna ka nang umuwi sa apartment---"






            "I'm on my way.. Susunduin kita." Putol nito sa sinasabi ko. Ano? Napa awang tuloy ang labi ko nang sandaling marinig ang sinabi nito. Susunduin--
"Magpaalam kana para hintayin nalang kita mamaya sa labas nang gate nang mga Boromeo." Utos pa nito. Maka utos naman ito, wagas!!






              "Laura, nagpapagod ka lang! May maghahatid nga sa akin, kung nauna ka na sana di nakapag pahinga--"






             "Malapit na ako. Sige na, magrason ka nang may susundo na sayo!" Talagang inuubos nang babaeng ito ang pasensya ko. Napaka bossy akala mo naman! Argh! Ang lakas maka jowa kong umasta.






             "Okay boss!!" Sarkastiko ko kong turan sa inis ko. Pero hindi naman nito pinansin ang sinabi ko. Nakaka inis! Pinatayan nalang ako basta nang phone. Nang e-check ko ang messages ang dami pala nitong text, puro text message nya. Sinabi palang susunduin nalang ako. Busy nga kasi kami ni Hanna kanina.






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon