Monica pov..
Napa singhap ako at sinabayan ko pa nang pag kunot noo.. Paglabas ko kasi sa unit na inookopa namin ni Steven, ay sakto ding sinususian ni Laura ang katabi lang na pintuan at mukhang kakarating lang nito. Samantalang iisang eroplano lang naman ang sinakyan namin.. Napa hinto sya sa ginagawa at biglang napa baling sa gawi ko nang maramdaman yata nya ang presensya ko.
"Oh- Hi Monica..." Casual nitong bati. Na para bang hindi na sya nagulat na nagkita kaming muli na magka tabi pa talaga ang nakuha naming unit dito sa isang hotel kung saan kami tutuloy ni Steven nang tatlong araw. Parang wala lang din sa kanya kung tignan ako ni hindi man lang sya ngumingiti.
Pagka tapos kasi nang encounter namin sa may airport kanina hindi na kami nagkaroon nang pagkakataon para makapag-usap. Gusto ko lang naman sana syang kamustahin, kahit papaano magka-ibigan parin naman kami. Na hanggang magka-ibigan lang-- na namimiss ko na sya, namimiss ko yung dati--- argh!! mabilis kong pinilig ang aking ulo para iwaksi kong ano man ang pumapasok sa utak ko nang sandaling ito..
Hindi ko din tuloy maiwasang mapa isip. Ano ba talaga ang dahilan bakit andirito din sya ngayon. Paano kong plano nya lahat nang ito, na sinadya nya kaming sundan dito! Pero bakit naman, ano namang dahilan para gawin ang bagay na yun- bakit kailangan pa nya kaming sundan ni Steven dito sa boracay-- "Look Monica!" Hugot nito nang malalim na paghinga.. Na kina tigil naman nang utak ko na mag isip na naman kung ano-ano.. "Kung iniisip mo na--" Bigla naman syang huminto sa kanyang gustong sabihin.. Sabay iwas nang tingin.
"Wala akong balak na maki gulo sa inyo nang boyfriend mo---"
"Teka nga-- Paano mo naman naisip ang bagay na yan!" Depensa ko ni hindi ko sya pinatapos sa kanyang sinasabi.. Dahil yun talaga ang nasa isip ko nang sandaling ito. Para bang nababasa nito ang nasa isip ko "Tsaka, diba dapat nagpapahinga ka dahil kagagaling mo lang sa sakit!" Medyo mataray ko pang turan. Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya, na hindi ko din maintindihan sa sarili ko kong bakit.
Kitang kita ko naman kung paano sya napa ngisi nang sandaling ito na parang nananadya pa. Lalo tuloy akong naiinis!"Hindi ba pahinga ang tawag dito!" Sarkastiko nyang sabi na sinabayan pa nang pag buga pa sya nang hanginng. "Andito ako para magrelax para magpahinga..." Dugtong pa nito. Oo nga naman Monica, ganito ang pahinga nang mga mayayaman noh! Tuya naman nang isip ko.
"Pagka tapos nang mga nangyari sa akin-- Kailangan ko nang bakasyon katulad nito at- hindi naman ako ang may idea kung bakit ako andirito ngayon, kundi ang parents ko at ang dalawa kong kapatid.." Makahulugan nyang turan. Pinaparinggan ba nya ako! Tinamaan ka! Paano mo naman naisipan na ikaw yun aber! Syempre kay Dominique.. nasaktan sya nang husto nang umurong ang fiance nya sa kanilang engagement.
Isa ka pa! Sumusobra ka na.. para na tuloy akong sira ulong inaaway ang sarili ko. "Ang gusto pa nga nila-- sa ibang bansa muna ako kahit mga ilang buwan--Para tuluyan na akong makalimot sa mga nangyari.." Hugot pa nito nang malalim na paghinga. Na bigla bigla nalang akong nakaramdam nang pag kirot sa aking puso. Makalimot? Kanino ba talaga! Kay doc Jeri ba o kay Dominique-- What do you expect- alangan sayo? Tama na!! Saway kong muli sa aking sarili.
"Kaya hayun! Yun ang balak ko at susunod kong gagawin- pagka tapos ko dito, mangingibang bansa muna ako.." Seryoso pa nyang wika. Na lalong kina kirot nang aking puso. Dahilan para pasimple akong napasinghap.. A-alis sya-- saan naman sya pupunta kong sakali.. Paki alam mo ba! E, ikaw nga dyan sasama kana kay Steven sa United States of A!! Kontra na naman nang isip ko. Bigla tuloy sumakit ang sentido ko.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
