Monica pov..
"Monica, si Dominique nga pala girlfriend ko. Ahm- b-baby... si Monica kaibigan ko." Gusto kong matawa sa pag banggit ni Laura nang baby, pero pinigilan ko ang aking sarili. Andito kami ngayon sa isang restaurant at ngayon pinakilala ni Laura sa akin ang kanyang girlfriend. Dahil first monthsary daw nila ngayon. Nauna silang dumating dito kasi tinapos ko pa yung duty ko sa trabaho.
Gosh! Ang ganda ni Dominique, mukha syang celebrity. Naka jackpot si Laura-
"Hi Monica, nice to meet you.." Masigla nitong bati sa akin sabay dumukwang at nagbeso."Same here..'' Yun lang ang nasabi ko dahil nahihiya ako, at least natututo na din akong mag English kay Steven. Halos mag dadalawang buwan na din kami na masaya at walang problema. Buti pa nga itong dalawang ito makaka celebrate nang monthsary na magka sama..
"Upo ka Monica." Alok naman ni Laura at pinag hila pa ako nito nang upuan. Kaharap ko sila, dahil magkatabi namang naupo ang magkasintahan. Bigla na naman akong kinabahan, kasi class na restaurant itong pinuntahan namin. Kaya napapa buga nalang ako nang hangin. Lalo na nang nag sensyas si Laura at tinawag na nito yung waiter.
Ang hirap talaga yung ganitong sitwasyon. Mga kasama mong kakain mas nakaka angat ang buhay. Ako kasi pang fast-food lang tapos bibihira pa.
"Monica, pili ka na nang gusto mo.." Napa baling ako kay Dominique nang bigla itong magsalita, sabay abot sa akin nang menu na kina lunok ko-
"Ahm- ako na.." Salo naman agad ni Laura. "Ako nalang ang pipili nang food para kay Monica." Naka ngiti pa nyang turan na kina hinga ko nang maluwang. Muli na nitong tinawag ang waiter para sabihin ang aming mga orders. Samantalang si Dominique ay naka titig sa mukha ko pero kunyari nalang na hindi ko napansin.
"So, Monica anong family business ninyo? Sabi kasi ni Laura hindi ka daw talaga taga San Jose.." Ah- nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Ah- Oo andito lang ako para magtrabaho. Fa-family business.. wala kami nun!" Pagsasabi ko nang totoo na kina taas nang isang kilay ni Dominique.
"Oh- sabi mo baby may auto shop sila.." Baling nito kay Laura. Na kina awang nama n nang labi ko. Auto shop! Pag uulit pa nang utak ko. Wala naman kaming ganun, si tatay marunong mag repair nang sasakyan pero--
"Yap, meron nga.." Seryoso namang turan ni Laura sabay titig nito sa akin. Ha? Anong pinagsasabi nitong babaeng ito. Beyahero yung tatay ko. Sya ang nagmamaneho nang truck ni kapitan nang mga gulay at palay.. pero kapag walang beyahe sa bahay lang sya.
"Oh, so bakit mo pa kailangang mag work kong may family business naman pala kayo." Wika uli ni Dominique. Humugot naman ako nang malalim na paghinga. Bago sana ako magsalita--
"Hinihintay nalang kasi nya yung visa nya at pupunta na si Monica nang States. Andun kasi yung boyfriend nya at doon na din sya mag -aaral nang college.." Ano daw? Ang advance naman mag isip nitong si Laura, passport palang yung inaasikaso ko. Visa agad agad! "Kaya sya nagwowork para hindi mainip sa paghihintay, diba Monica!" Bahagya pa ako nitong pinandilatan nang mata.
Buti nalang at dumating na yung order naming pagkain kaya nahinto na kami sa aming pag uusap. Lihim naman ang napapa buga nang hangin dahil sa kong ano anong pinagsasabi ni Laura sa girlfriend nya.
Pero ang hindi ko napigilan ay ang pag silay nang ngiti sa aking mga labi nang makita ang pagkaing naka hain ngayon sa harapan ko. Favorite ko kasi ito, hindi naman sa favorite. Nagustuhan ko lang noong unang beses kaming kumain ni Laura sa isang mamahaling restaurant sa Manila.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...