Chapter 8 (SIY)

2.6K 114 20
                                    

Laura pov..

           Kanina pa ako naiirita dito sa babaeng kaharap ko ngayon, kung makapag salita kasi akala siguro nya hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya. May nalalaman pa syang sa London daw sya nag aral nang kolehiyo, pero kong makapag pronounce nang English mas matigas pa sa bao nang buko.







           Saan ba kasi pinupulot ni Mommy ang mga babaeng pinapa date nya sa akin! Pang ilan na ito pang- pito? Basta basta nalang akong sine-set up kong saan saang restaurant. Anak daw nang mga kakilala nya, mga Amiga etc.. haistt!! Napapa hilot tuloy ako sa aking sentido.







          "Are you alright Laura? Masakit ba ang ulo mo,may gamot ako dito." Alok nito pero napapa iling lang ako. Daldal kasi nang daldal nakaka rendi na.. "Ayaw mo ba yung food- Ahm- gusto mong mag order nang iba? Wait lang tawagin natin yung waiter---"







           "Stop!!" Medyo napa lakas kong bigkas na kina pitlag nito. "Please, yung food walang problema okay, yung ambiance din wala- ikaw ang---" Hindi ko na tinuloy ang gusto kong sabihin. Ayokong lumabas yung katarayan ko ngayon. Ayoko namang mapa hiya si Mommy kong sakali, kaya lang suko na ako sa babaeng ito.. Nagmamadali na akong naglabas nang ilang lilibuhin sa aking wallet, nilapag ko sa ibabaw nang lamesa. Dinampot ko ang aking bag tsaka nag marcha palabas nang resto.







         "Laura... Hey! Lau---" Rinig ko pag tawag nito sa pangalan ko pero wala na akong balak na lingunin. Nagtuloy na ako hanggang sa loob nang aking sasakyan.
Pagka pasok ko sa loob, napapa buga nalang ako nang hangin. At bigla kong naisipang tawagan ang Mommy ko para itigil na nito itong kalokohang ginagawa nya.





           Kahit sino pa ang ipa-date nito sa akin kong hanggang ngayon may isang tao paring nagmamay-ari nang puso ko--
"Hello Mom!"






              "Yes,Hi my dearest daughter, kamusta ang dinner date mo with Cynthia?." Napa tirik tuloy ang mga mata ko. "Maganda sya diba at edukada din katulad mo.. anak sya nang vice mayor nang San Pablo!" Pagku-kwento pa nito. Kahit anak pa sya nang president nang America kong hindi ko type!





           "Mom please. Huli na ito!" Hilot ko sa aking sentido. "Suko na ako.."







       "Bakit anak? Wala ka pa rin bang natipuhan. Ito last na talaga si Dominique..." Si Mommy talaga makulit. Sobrang problemado sa love life ko, samantalang ako hindi ko na nga iniisip ang bagay na yan. Pag tuunan ko muna nang pansin, ay kong paano ako makaka move on sa nararamdaman ko kay Jeri..
"Sige na Lau anak." Pangungulit pa rin nito.







          Sinong Dominique na naman kaya yun! Kong lalaki man yun mas lalo namang ayoko. Lipstick lesbian ako at hindi ko na yun mababago pa..
"Kababata mo si Dominique ano ka ba naman!!" Untag pa ni Mommy na kina tigil ko naman saglit at biglang napa isip. "Hindi mo na ba natatandaan, magka school mates pa kayo dati nang grade school, mas matanda ka lang nang two years sa kanya.. Kapitbahay natin dati sa San Fernando kaso nga lumapit na tayo nang bahay.." Paliwanag pa nito.







              Naalala ko nga dati, sa San Fernando pa kami nakatira sa bahay nang grand parents ko. Pero nang maka bili na si Dad nang sarili naming bahay sa San Pablo..
"Naalala mo na sya!" Oo nga pala kausap ko pala si Mommy, nawala tuloy bigla sa isip ko. "Nagka usap kasi kami nang kanyang Mommy sa Facebook, inaanak ka pa nun sa binyag.. Nagkamustahan- ito na nga nabanggit nyang single pa daw si Dominique pareho kayo at umamin na isa pala itong bisexual."






             Napapa buga nalang ako nang hingin. Bigla din akong na excite na makita si Dominique pagka tapos nang mahabang panahon.. Sige na payag na akong makita sya pero huli na ito. Ayoko na talagang makipag date nang kong kani-kanino.
"Okay Mom!" Pagpayag ko bigla..





"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon