Monica pov..
Laura-- Pasimple akong napa lunok nang sandaling nagtama ang aming mga mata.. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon, pagka tapos nang mga nangyari.. Gustong gusto ko na syang maka-usap, pakiramdam ko ang dami kong dapat ipaliwanag---
Yung excitement na nararamdaman nang puso ko ay kaagad ding naglaho. Nang mahagip nang paningin ko- si Dominique! Andito din sya sa bahay nila doc Jeri at b-bakit sila magkasama ni Laura? Dito kasi ako makikituloy ngayong gabi at wala naman akong ibang mapuntahan..
Nagpalipat lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa na may halong pagtataka.. Na kina ramdam ko din nang pag kirot nang puso ko na isiping may nangyayari bang pagkaka-ayos at pagbabalikan nang dalawa--
"Mahal, paupuin mo na si Monica para makakain na tayong lahat!'' Untag ni doc Jeri kay Hanna. Pero wala doon ang atensyon ko.. Pwede bang umurong nalang-- I mean, kung aalis nalang kaya muna ako at tsaka nalang babalik kapag wala na yung masakit sa paningin. Mukhang may importante yata silang pinag-uusapan..
''Halika na Monica, alam kong gutom kana dahil malayo pa ang pinanggalingan mo.." Rinig ko ang pagtawa nito nang mahina nang pasimple akong tinulak tulak patungo sa bakanteng upuan. Sa katapat pa mismo ni Laura na kasalukuyang katabi ni Dominique.. Na parang sinasadya pa nitong kaibigan ko, pero pilit kong hindi pinagtuunan nang pansin.
"Hi Monica.. kamusta kana?" Speaking of-- Bigla nalang akong binati. Magiliw na pagbati, habang naglalagay si Hanna nang extra plate sa harapan ko. Habang tahimik lang naman itong si Laura na parang ang sarap sipain sa ilalim nang lamesa.
"Ayos lang naman.." Labas ilong kong tugon.. nang bigla nalang akong nakaramdam nang inis kay Laura. May nalalaman pa itong-- "Mahal na mahal kita Monica." Panggagaya nang isip ko.
Tapos ngayon, huling huli naman sa aktong kasama nya ang ex nya! Ngitngit nang kalooban ko at tila wala sa loob kong lagay nalang nang lagay nang pagkain sa plato. Ikaw nga din diba! Huling huli din sa aktong-- nung kitang kita nang dalawang mata nya na kasama mo si Steven. At nagsinungaling ka pa sa kanya that time..
May rason ako kong bakit ko nagawa yun at handa naman akong magpaliwanag sa kanya kong sakali. Pero sa nakikita ko ngayon-- mukhang wala nang silbi kong magpapaliwanag pa ako.. Mukhang mag aaway lang kami nang aking sarili kaya mabilis ko nalang pinilig ang aking ulo.
"Halata ngang gutom na gutom ka." Biglang nagsalita si Laura. Na mabilis kong kina baling sa kanya.. Nakangisi sya nang sandaling iyon... Nagsukatan kami nang tingin at andun parin yung awtomatikong pag bilis nang tibok nang aking puso. Dahilan na ako din lang ang naunang nagbawi nang tingin. Pagka tapos ay tinuon kong muli ang aking atensyon sa pagkaing naka hain sa hapag.
''Doc Jeri, magandang gabi.." Baling ko sabay bati nang bigla kong naalala. Nahiya tuloy ako bigla sa may ari nang bahay at hindi ko man lang nabati kaagad.. Nawala kasi isip ko.
"It's okay Monica. Kain na." Tugon naman nito na tila nababasa ang nasa isip ko nang sandaling ito. Napa ngiti nalang ako nang tipid dito at nagsimula nang kumain. Oo gutom ako pero yung bigla nalang akong nawalan nang gana na ganito pala ang madadatnan ko.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomansWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
