Chapter 40 (SIY)

3K 135 48
                                    

Monica pov..

                 "B-bitawan mo nga ako!" Paangil kong sabi. Pagka tapos ay bahagya kong tinulak palayo ang katawan nito sa akin at kina tirik pa nang dalawang mata ko.. Gustong gusto kong tumugon sa halik niya-- kaso nga lang kasi. Ang lakas nang loob nyang basta nalang nanghahalik na nakikita  nang ibang tao, hindi lang sa ganun, kundi sa harapan pa nang kanyang ex-girlfriend at mukhang may pagkakabalikan pang magaganap.






                     Dapat nga maging proud ka pa sa sarili mo e, kasi pinapakita lang nyang ikaw na talaga ang gusto nya. Ikaw yung mahal nya.. Kotra kaagad ni inner self. Mahal mahal, mukha nya-- ang sabihin nya-- balak lang nya akong paglaruan!  Dahil kong mahal nya talaga ako hindi ako nasasaktan ngayon nang ganito.  Selos lang yan!!"   Kantyaw lang nang isip ko.





                  "Monica.." Muli ako nitong kinabig. Pero sa pagkakataong ito ay hindi para halikan, kundi para yakapin nang mahigpit.. Oh- Laura...   Ramdam na ramdam ko ang sensiridad sa higpit nang yakap nito at konting konti nalang bibigay na talaga ako nang-- "Monica aminin mo na kasing patay na patay ka sa akin, na huwag nang magpapakipot pa--" Bigla syang bumulong. Dahilan para muling bumalik yung inis ko sa kanya.. Ano?? Ang kapal ha!







               Hindi nalang basta inis nang  bigla nalang umakyat lahat nang dugo ko sa ulo sa sinabi nito. Ang kapal talaga!! Gigil ko.. Kaya naman, sa ka bwisitan ko, buong pwersa ko syang naitulak. At sa lakas ay napapa atras nalang ito.  Pagka tapos ay basta nalang kumilos ang kanang palad ko at mabilis na dumapo sa kaliwang pisngi nito. Narinig ko pa ngang tumunog iyon, tila napa lakas nga yata. Sya naman kasi--






            "Wait, wait- anong nangyayari sa inyong dalawa ha!!" Kaagad namang sumulpot itong si Dominique. Pagka tapos ay maagap na nahawakan  ang isang braso ni Laura at bahagyang hinila.. "Wala namang pisikalan.." Ewan pero parang ang dating sa akin ay nang-aasar pa sya..






             Samantalang ang isang kamay naman ni Laura ay marahang hinimas himas ang pisnging nasaktan.. Buti nga-- hmp! Yan.. Bagay nga kayong dalawa,  magsama na nga kayo!! Ngitngit nang kalooban ko na lalong pangkina  kulo nang  aking dugo.






                "Okay lang kami Dominique. "Nag-uusap lang!" Cool lang na pag saway  nitong si Laura. Tila sinasabing huwag nalang kaming pakialaman nang pasimple pa nitong tinanggal ang kamay ni  Dominique na naka hawak parin sa braso niya. Buti naman at tinanggal na, dahil ko di nya yun ginawa- lalo pa syang tatamaan sa akin..






              Kaya lang, anong basehan para sabihin  nyang nag uusap kami!? Ang sabihin niya, balak nya lang akong ipahiya sa mga tao dito. Sa best friend nya-- sa kaibigan ko at sa ex--  Ang lakas naman nang loob nya-- para bang gusto pa niyang palabasin na ako ang naghahabol ako kanya!! Pwes-- Argh!!






              Oo na nga mahal ko na sya! Kahit naman aminin nang puso kong mahal ko sya, ayoko namang ibaba nalang nang ganun ganun yung sarili ko noh!  Di inamin mo ding nagpapakipot ka lang.. ang pabebe mo Monica sa totoo lang.. 
At talagang nagawa pa akong asarin nang sarili ko imbes na kampihan nya ako..





               "Umalis kana nga Laura.." Pagtataboy ko dito..Hindi ko din lang sya maka-usap nang matino! Gustong gusto ko syang maka usap, kaya lang hindi sa ganitong paraan.. Nakaka inis lang kasi e!!
Napa iwas nalang ako nang tingin nang nangingilid na naman ang mga luha ko.





            "Oh- umalis kana daw.." Si Dominique naman ang binalingan  sabay bahagyang tinulak tulak yung isa.  At sinabayan pa nang pagtawa nang mahina. Parang nananadya talaga!






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon