Chapter 15 (SIY)

2.5K 98 27
                                    

Monica pov..

               Namayani ang naka bibinging katahimikan sa loob nang sasakyan, kung pwede lang akong mag walk-out nang sandaling ito. Kaya lang, mas importante naman ang buhay ko, ang dilim dilim kaya dito kesa sa pag iinarteng gagawin ko! Dahil lang sa hinalikan ako ni Laura at ang masaklap, hinawakan yung ano-- ko.






          My god! Nasampal ko tuloy sya nang wala sa oras. Pero kasalanan naman kasi nya kung bakit ko ginawa yun!! In the first place, sya naman lagi yung nagsisimula. Pinalampas ko na yung ilang beses nya akong hinalikan. De bale halik lang yun! Pero iba na ang pinag uusapan ngayon..






             Marahan nang kumilos si Laura, umayos nang upo at hinawakan nang mahigpit ang manibela habang pasimple akong napa tingin sa kanya. Naririnig ko pa ang marahas nitong paghinga. Alam kong masakit yung pagkaka sampal ko sa pisngi nito, pero never  na ako ang unang hihingi nang sorry sa kanyang noh! Sumusobra na sya.






                 Pasimple ko na ding inayos yung suot kong bra na bahagyang naka lihis. Tsk! At yung sout kong dress tinaas ko konte dahil naka baba, hindi ko namalayang naka litaw na pala yung cleavage ko kanina. Tsaka ko muling kinabit ang aking seatbelt. Naramdaman ko nalang ang pag usad muli nang sasakyan, na kina hugot ko nang malalim na paghinga.






           Napaka awkward yung sitwasyon namin ngayon, kaya naman kunway nilabas ko nalang yung aking cellphone, sa loob nang aking bag at naghanap nang mapag libangan. Kaya lang nakaka sawa naman yung games ko, kaya ilang minuto lang binalik ko din lang yung phone ko sa loob nang bag.  Napa baling nalang ako sa labas nang bintana at tinatanaw ang bawat nadadaanan kahit halos wala naman akong nakikita dahil madilim ang buong kapaligiran.

             

             

                Habang rinig na rinig ko naman ang pag hugot nito nang malalim na paghinga.. Hindi ko na inalis ang paningin ko sa labas nang bintana hanggang sa maramdaman kong huminto na ang sasakyan. Hindi ko alam kong, kaya ko ba syang  tingnan sa mukha! Pagka tapos nang-- Marahan ko nalang, muling kinalas ang suot kong seatbelt nang makarating na pala kami sa aking apartment.





               Hindi na ako kumibo, mabigat man sa pakiramdam,marahan na akong umibis nang sasakyan. Mukhang nagbago na din ang isip na Laura at hindi na sya dito matutulog ngayong gabi. Hindi ba namin aayusin ito?
Sa aming dalawa, sya itong may mali at kung gusto nyang makipag matigasan. Fine!







             Marahan ko nang tinulak pasara yung pintuan nang kanyang sasakyan, pagka tapos ay tumalikod na ako at mabibigat ang hakbang kong palayo.. Mariin nalang akong napa pikit nang marinig ko na ang pag usad muli nang kotse ni Laura. Napapa iling at napa buga nalang ako nang hangin.






            Pilit kong siniksik sa isip ko na wala akong kasalanan.. At para akong latang lata pagka pasok ko sa loob nang aking apartment, kaya pabagsak ang katawan kong naupo sa may sofa. Tsaka ko pinatong ang dala kong bag sa ibabaw nang center table.
Napa hilot nalang ako sa aking sentido.






            Ang saya saya lang nang araw ko kanina, nag enjoy ako sa birthday party ni Janus, naka kwentuhan ko si doc Jeri at Hanna. Tapos sinundo ako ni Laura, tapos-- hayun na! Napa singhap nalang ako bigla at biglang sumikip ang aking paghinga. Dito na ba matatapos ang pagkaka-ibigan naming dalawa ni Laura!? Sa totoo lang inaamin kong napa lapit na ang loob ko sa kanya..Kahit naman ganun yun, may pagka mataray masungit at pagka bossy.
My gosh! Bakit ba ako nakakaramdam nang sakit.. Habang nillilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nang aking apartment.





"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon