Chapter 11 (SIY)

2.5K 106 32
                                    

Monica pov..

                     Napapa ngiti akong mag isa habang nililibot ang paningin ko ang kabuuan nang unit na binigay sa akin ni Steven.. Hindi ko na mabilang kong ilang beses ko nang ginawa ito dahil hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pakiramdam ko nananaginip lang ako sa lahat nang nakikita nang mga mata ko.







             Titira na ako dito sa napaka gandang apartment, solo ko pa may isang kuwarto at kinompleto pa nang kagamitan. At ang kainaman malapit lang sa trabaho ko. Hindi din ako nahirapang lumipat dahil konte lang naman yung dinala kong gamit. Yung iba kasing hindi ko na kakailanganin ay iniwan ko na sa mga ka board mates ko..







            Mamimiss ko din naman yung dati kong tinirhan dahil ilang taon na rin naman ako doon. Kaso syempre sa pagkakataong ito tatanggi pa ba ako sa magandang offer sa akin nang napaka bait kong boyfriend.. Pwedeng pwede nang mamasyal yung parents ko at mga kapatid ko dito, dahil may matutulugan na silang maayos at napaka ganda..







              Napa baling akong muli sa may sala, humakbang ako at marahan akong naupo sa isang mahabang sofa. Ang lambot pa, sabay baling ko sa isang flatscreen TV na nasa harapan ko ngayon.. napapapikit ako at ninanamnam ang bawat sandali nang biglang sumagi sa isip ko si Laura.







               Magmula nang ihatid niya ako kahapon sa apartment, hindi na sya nagparamdam sa akin. Nahihiya naman akong, ako yung maunang mangamusta sa kanya, baka mamaya isipin pa nyang affected ako sa kiss--
Kaya lang, gusto ko sanang ipakita sa kanya itong bago kong apartment. Gusto ko sana syang yayain para mag celebrate.







           Kinuha ko ang cellphone ko na naka patong sa ibabaw nang center table.. Huminga ako nang malalim bago ako nag dial nang numero. Napa kagat labi naman ako nang nag ring kaagad ang kanyang cellphone. Ring lang nang ring kaya lang hindi naman nya ito sinasagot. Hmp! Galit ba sya! Wala naman akong alam na maling ginawa sa kanya.








             Naka limang dial na ako pero hindi parin nito sinasagot. Ano kanyang nangyari dun!?? Nag send nalang ako nang text message sa kanya at sinabi kong gusto ko lang ipaalam sa na lumipat na ako nang tirahan at sinabi ko din yung exact address ko at kong may time syang pumunta ngayon. Kung wala naman kasi bukas nalang nang gabi, basta huwag lang Saturday dahil birthday party yun ni Janus..






                     Naghintay ako nang reply mula sa kanya, kaso dismayado ako dahil wala. Nga nga.. Nagluto pa naman ako nang favorite nitong kaldereta at nagbili din ako nang ilang can beers na pinalamig ko na sa may fridge, tsaka pulutan. Ayoko naman kasi na sya nalang lagi yung gumagastos. Katulad nung huli, sabi kong treat ko pero hindi naman ako pina bili dahil marami syang stocks sa bahay nya.







           Mukhang wala din syang balak na ako'y replyan. Kaya napapa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga.. sinipat ko ang oras, eight pm na imposible namang hindi pa yun nakaka uwi mula sa trabaho.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa panonood nang palabas sa TV, nag enjoy na ako sa panonood at inabot na ako nang antok. Napa hikab at nagpasya nang matulog.







               Closing naman ako bukas kaya okay lang kung malate akong matulog. In off ko na ang television tsaka akmang papatayin ko na din yung  ilaw nang biglang tumunog yung doorbell sa labas. Napa pitlag tuloy ako. Iniisip isip ko pa kong dito ba yung pintuan na tumunog- kaso inulit ulit kaya sure nga dito nga yun.







           Kakamot kamot ako nang batok na tumungo sa tapat nang pintuan, tsaka marahang binuksan ang pintuan-
''Laura?" Patanong kong wika. Nang hindi ko inaasahang pupunta pa sya sa ganitong oras.








"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon